Cherry Pie Picache on mom’s murder case: "The trial is moving very fast."

Cherry Pie Picache still seeks immediate conviction of Michael Flores, who’s accused of murdering the veteran actress’s mom Zenaida Sison.


Ibinahagi ni Cherry Pie Picache na tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso ng yumao niyang ina na si Mrs. Zenaida Sison.

Kaugnay ito ng kasong murder na isinamapa laban sa pangunahing akusado na si Michael Flores.

Read: Suspect in murder of Cherry Pie Picache’s mom admits: "Ako lang po mag-isa ang gumawa ng krimen."

Pahayag ni Cherry Pie, “It’s ongoing.

“We’re very thankful that the Quezon City authorities had been very helpful.

“The way the trial is moving, it’s very fast.

“That’s our ultimate justice, for him to be convicted as soon as possible.”

Aminado ang beteranang aktres na malungkot ang pagdiriwang ng Pasko ng kanilang pamilya, dahil hindi na nila kapiling si Mrs. Sison.

Ngunit ang mahalaga ay sama-sama raw silang magkakapatid at kani-kanilang pamilya ngayong Christmas season.

“There’s a tragedy that happened in our family.

“All we really want to be is to be together.

“It’s a really difficult time for us.

“So, Manila for Christmas, and then how we always spend it for New Year, which is in Subic,” saad ni Cherry Pie.

Nabanggit din ni Cherry Pie na siya na ang naatasang magtuloy ng tradisyon sa kanilang pamilya ng specialty dish ng kanyang ina tuwing Kapaskuhan.

“For about three years, I’ve taken on the tradition of cooking our chicken galantina.

“So ngayon, they’re all telling me, ’Pie, please cook chicken galantina because Mama will always cook it.’

“Yung secret [recipe], ako ang nagmana,” nakangiting lahad ng aktres.

Sa kabila ng lahat, malaki pa rin ang pasasalamat ni Cherry Pie sa mga biyayang natatanggap niya ngayon.

Kabilang na rito ang pagiging bahagi ng cast ng Feng Shui 2, na isa sa 2014 Metro Manila Film Fest entries.

Sabi ni Cherry Pie, “God has been so good.

“There has been so much blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And so like now, I’m trying to go out, I’m trying to socialize with friends.

“Kasi ’pag hindi, [talagang nakakalungkot].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN