Senator Grace Poe not prioritizing next political move: “Bituka muna bago pulitika.”

Senator Grace Poe on leading the latest survey on presidential and vice-presidential candidates: “I am grateful to our countrymen for their trust and affirmation. At this point, my focus is to fulfill my duties in the Senate."


“Bituka muna bago pulitika.”

Ito ang pahayag ni Senator Grace Poe tungkol sa ispekulasyon na isa siya sa mga napipisil na kandidato bilang presidente o bise presidente sa 2016 national election.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey, pumangalawa si Senator Grace sa may pinakamataas na ranking para sa Presidential Preferences category.

Si Senator Grace rin ang nakakuha ng pinakamataas na ranking pagdating sa Vice-Presidential Preferences poll.

READ: Grace Poe climbs, Jejomar Binay slides in latest presidential poll

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Grace, sa pamamagitan ng text exchange, noong December 20.

Dito ay nagpasalamat siya sa tiwala ng taong-bayan sa kanyang kakayahan na mamuno ng bansa.

Ngunit iginiit ng lady senator na hindi niya prayoridad ang usaping pulitika.

Pahayag ni Senator Grace, “I am grateful to our countrymen for their trust and affirmation.

“At this point, my focus is to fulfill my duties in the Senate.

“Bagamat abot-tanaw na ang 2016, malayo pa ‘yan kung ikukumpara natin sa mga suliranin na kinakaharap natin ngayon.

“Through my work in the senate, I am actively pursuing legislation which I feel will have a greater positive impact on the majority of our countrymen.”

Naniniwala si Senator Grace na mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga problemang kinahaharap ng bansa, lalo na ang pagbibigay solusyon sa child hunger.

"There are many pressing problems that should merit our attention, like peace and order, and child hunger.

"Personal political plans are not my priority,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN