Kris Aquino gets a surprise visit from Mayor Herbert Bautista

Here’s Mayor Herbert Bautista (right) bidding Kris Aquino goodbye after the actor-politician visited the Kapamilya star’s home last Sunday, December 28.


Nakakuha ng isang surprise visit si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista kahapon, December 28, sa Thanksgiving Mass ng Queen of All Media sa kanyang bahay.

Ayon sa episode ng Kris TV ngayong Lunes, December 29, nagpamisa siya sa kanyang bahay bilang pasasalamat sa pagiging blockbuster ng Feng Shui 2 at sa lahat ng magagandang bagay na idinulot ng 2014 sa kanya.

Dumalo rin sa nasabing misa ang ilang artista kagaya nina Pokwang, Jeron Teng, at ang rumored girlfriend nito na si Jane Oineza.

Ang nasabing misa ay pinangunahan ni Father Rogie Castellano.

Sa kalagitnaan ng misa, isang bisita ang dumating na ikinagulat nina Kris.

Ito ay si Mayor Herbert, na dati niyang boyfriend.

(Photo grab from Kris TV)

Sa nasabing video, sinalubong ni Kris si Mayor Herbert, sabay yaya dito ng “Halika, maki-mass ka na.”

Sundot pa ni Kris, “E, ba’t ka nandito?”

Makikita rin na nagkamay at nagbeso ang dalawa.

Binati rin ni Herbert ng “congratulations” at nakipagkamay ang alkalde kay Bimby, anak ni Kris.

(Photo grab from Kris TV)

Kasama kasi si Bimby sa Metro Manila Film Festival entry na The Amazing Praybeyt Benjamin na kasalukuyang nangunguna sa takilya.

Matapos ang maiksing pagbisita ni Mayor Herbert ay nagpaalam din kaagad ito.

Matatandaang umamin si Kris sa relasyon nila ni Mayor Herbert noong Abril, subalit hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan.

Related articles: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino admits: “Yes, he broke my heart.”

Gayunpaman, sinabi ng mayor ng Quezon City na maayos na sila ni Kris at may posibilidad din na maging close uli sa tamang panahon.

Read: Mayor Herbert Bautista on possibility of rekindling closeness with Kris Aquino: “Siguro kapag may panahon. Wala namang problema ‘yon. Panahon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN