Has Jake Ejercito-KC del Rosario romance gone sour?

Gusto na raw makipag-ayos ni Jake Ejercito (left) sa dati nitong girlfriend na si Andi Eigenmann (right). Pero hindi pa rin malinaw kung patuloy pa bang nagdi-date si Jake at ang socialite na si KC del Rosario (center).


Kapansin-pansin sa Instagram accounts nina Jake Ejercito (@unoemilio) at KC del Rosario (@kcdelro) na burado na halos lahat ng larawan nilang dalawang magkasama.

May mga kumakalat na ring larawan sa Internet na diumano’y may kahalikang ibang lalaki si KC, na nagsimulang mapag-usapan nang maging viral ang larawan nila ni Jake kung saan nakakandong ito sa binata noong December 4, 2014.

Ito rin ang simula ng kontrobersiya sa showbiz kung saan muli na namang naghiwalay ang on-and-off na magkarelasyong sina Jake at Andi Eigenmann.

Si KC o Karraminah Clarisse del Rosario ay kapatid ni Samantha Richelle del Rosario, girlfriend ng Azkals player na si Anton del Rosario.

Sina KC at Samantha ay mga anak ni Evangeline del Rosario Abdullah, na isa sa executive producers ng Subject: I Love You, ang indie film na pinagbidahan ni Jericho Rosales noong 2011.

Read: Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Sa mga Instagram post ni Jake, may mga nagsabing followers/fans ng kanilang pag-iibigan ni Andi na sana ay magkabalikan na ang dalawa ngayong binura na niya ang kanyang posts kasama si KC.


KC’S TUMBLR POST. Sa isang Tumblr post ni KC, tila may hinanakit nga ang dalaga sa isang tao na hindi naman niya pinangalanan.

Saad niya, “It’s gonna hurt. F**k, it’s gonna hurt like hell.

"When you give everything you have to someone, and it’s still not enough, it’s going to rip you apart inside.

“Then it’ll slowly start to get better. You’ll think about things other than them. You’ll find ways to occupy your mind.

“Some days you’ll still wake up wanting to call them just to say good morning. You’ll still spend some days crying and listening to sad songs that remind you of them. You’ll fall asleep crying because it doesn’t feel right without them there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s okay. It’s okay that it hurts. But it’s okay for it to get better, too. It’s okay to let yourself heal.

"It’s okay to go get drunk in hopes that you’ll get them off your mind, but it’s okay to dance around your room in your underwear because you feel actually happy, too. Life isn’t going to stop.

“I know right now it feels like the world has stopped turning, but it hasn’t. You’ll make new friends and meet new people.

"Eventually, you’ll stop thinking about them altogether. And you might remember them forever.

“They might have a small part of you forever. But you’ll change. You’ll grow.

"And one day you might even wonder why you loved them, because you recognize that you didn’t deserve to be hurt like that. It’s okay to be okay."

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay KC sa kanyang email upang klaruhin ang isyu.

Pero base sa isang Instagram interview ng PEP sa nag-post ng Tumblr status na ito ni KC, ang pinatutungkulan daw nito ay ang ex-boyfriend niyang si Terrence Lloyd, isang modelo.

Ayon kay @kcxterence, “I’m sure it’s about her past relationship with Terrence and she is trying to move on. She is currently seeing Jake but I’m not sure if it’s serious or not.”

Sa mga naunang panayam ni Andi, sinabi nitong alam niya ang brewing romance nina Jake at KC.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC del Rosario romance: “Kami pa nung summer, meron na silang something.”


JAKE WANTS TO RECONCILE WITH ANDI. Sa exclusive interview ni Mario Dumaual ng TV Patrol na lumabas kagabi, January 5, sinabi ni Jake na gusto niyang makipag-ayos sa ex-girlfriend na si Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Time heals everything naman. But the rest of our family, I think, we're good naman.

“With Andi, I’m sure, eventually. But all we need is time.”

Magiging okay na kaya sila pagdating ng Araw ng mga Puso?

Tugon ni Jake, “Sana. I mean, the sooner the better.”

Sa ngayon ay nauugnay si Andi sa PBB alumnus na si Bret Jackson, na hindi naman gusto ng ina ng aktres na si Jaclyn Jose para sa kanya.

Read: Andi Eigenmann says mom Jaclyn Jose's opinion about Bret Jackson does not matter


FROM PEP SOURCES. Hiningan ng PEP ng pahayag ang kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito tungkol sa isyung break na diumano sina Jake at KC.

Sina Jake at Jerika ay mga anak ng dating Pangulo na ngayon ay Manila mayor na si Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Saad ni Jerika, “Hiwalay? Puwede bang maghiwalay even before being romantically committed? Or parang I'm very much unaware with what's happening around me lately?

"Sorry if I'm unable to give any confirmation since I've only had the pleasure of meeting KC twice.”

Nilinaw naman niyang hindi si KC ang pinakadahilan ng hiwalayan ng kanyang kapatid kay Andi.

Ani Jerika, “Oh my, my heart goes out to KC because she got dragged into something much bigger than her friendship with Jake.

“I'm saying this with the utmost respect to Andi.

"I don't ever want to be biased kahit kanino... but there are several other reasons for their breakup none of which is/was KC.

"But siyempre I also cannot say that my brother's friendship with her helped the situation.”

Isang reliable source naman ang nakausap ng PEP tungkol sa isyu.

Aniya, mukhang patuloy pa rin daw ang pagdi-date nina Jake at KC, pero baka lang daw gusto lang ng binata na magkaroon ng closure kay Andi kaya gusto nitong makipag-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga huling tweets ni Jake, halata namang ‘in-love’ ito.

Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN