Andi Eigenmann on Jake Ejercito’s desire to reconcile with her: “Hiyang-hiya naman ako sa kanya!”

Hindi pa raw handa si Andi Eigenmann (kaliwa) na makipag-ayos sa dating boyfriend niyang si Jake Ejercito (kanan). Labis raw siyang nasaktan sa nasira nilang relasyon na tumagal ng halos apat na taon.


Hindi alam ni Andi Eigenmann kung paniniwalaan ang sinabi ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito na gusto na nitong magkaayos sila.

Sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido ng ABS-CBN News kahapon, January 6, sinabi ng 24-year-old Kapamilya actress na ang pakikitungo sa kanya ni Jake ang mas importante, hindi ang mga naging pahayag ng binata sa mga panayam nito.

Saad ni Andi, "I'm not really sure if I should believe that. I don't know.

"If he says that, well then I appreciate, but I don't really know.

"Because to me, mas importante yung pakikitungo niya sa akin, hindi yung ipinapakita niya sa mga tao."

Sa hiwalay na panayam ni Jake sa TV Patrol na lumabas noong Lunes, January 5, sinabi nitong: "Time heals everything. The rest of her family, I think we're good naman. With Andi, I'm sure, eventually. All we need is time.”

Dagdag pa ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, sana ay maging maayos na ulit sila ni Andi bago dumating ang Valentine’s Day.

Read: Has Jake Ejercito-KC del Rosario romance gone sour?

Pero para kay Andi, “Hiyang-hiya naman ako sa kanya!

"I hope that eventually we'll be okay, but I'm still hurting, and I don't think it will happen by February."

Sa tanong kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan, sagot ni Andi, “I don't know. I really don't know because...

"Masakit talaga. Sobrang sakit talaga, so I'm not sure about that."


ON KC DEL ROSARIO. Sa lumabas na ulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, kahit mukhang binura na halos pareho ni Jake at ng nali-link sa kanyang si KC del Rosario ang karamihan sa posts nila sa Instagram, halata namang ‘in-love’ pa rin ang binata sa kanyang tweets.

Anim na araw na ang nakararaan, nag-post si Jake sa kanyang Instagram ng video ng mga larawang kuha noong New Year’s eve celebration, at kasama sa mga larawang ito si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

✌️👌👆✋

A video posted by Jake Ejercito (@unoemilio) onJan 1, 2015 at 7:03am PST

Ano ang reaction ni Andi sa kasalukuyang idini-date ng kanyang ex-boyfriend?

Tugon ng aktres, “We used to be friends.

"I just don't let it bother me. To me, it's what he wants for himself.

"Palagi niya ngang sinasabi, ako naman daw ang nauna, e.

"Kasi when we broke up, Bret was there," pagtukoy niya kay Bret Jackson, na nanliligaw sa kanya ngayon.

"But, see, even up to now, we're not together, because it's not that easy.

"It was four years, and I can't just throw that away in an instant. It hurts.

"Kung masaya sila, I'm happy for him."


ON BRET JACKSON. Masigasig na manliligaw ngayon ni Andi ang PBB Teen alumnus na si Bret Jackson, kahit ayaw ng ina niyang si Jaclyn Jose dito.

Natuwa naman daw si Andi na hindi sumusuko si Bret sa panunuyo sa kanya.

Nilinaw rin niyang nakatuon muna ang kanyang atensiyon sa anak niyang si Ellie at sa kanyang karera.

"I just got out of a serious relationship and I want to take things slower this time, I want to be more sure.

"Kahit na ngayon na my priorities are really myself, my career, and my daughter.

"Everything is for my daughter. Gusto ko muna ayusin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN