Malacañang unfazed by negative feedback on PNoy’s interview with Vice Ganda

Presidential spokesperson Edwin Lacierda brushes off negative feedback on President Benigno Aquino III’s recent appearance in ABS-CBN’s comedy talk show Gandang Gabi Vice. "Vice Ganda brought [out] the lighter side of the President and it was positive and I think people came to empathize with the President on the daily routine, on the burdens of government," says Lacierda.


Dinepensahan ng Malacañang si President Benigno “Noynoy” Aquino III matapos umani ng batikos ang huli mula sa publiko.

Kaugnay ito ng panayam ni Vice Ganda kay PNoy sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong January 5.

Read: PNoy on lovelife: "Itatago ko muna sa sarili ko yun."

Marami ang naghayag sa social media ng kanilang pagkadismaya, lalo pa’t mas marami raw mahahalagang isyu, kaysa sa personal na buhay ni PNoy, ang dapat umanong tinalakay sa programa.

Base sa comments sa inilathalang artikulo ng Philippine Entertainment Portal tungkol dito, may ilang netizens ang nagsasabing lumalabas na “insensitive” at “mediocre” ang Pangulo dahil sa panayam nito.

Ngunit nanindigan si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na walang masama sa pagpayag ni PNoy na maging special guest sa GGV.

“Vice Ganda brought [out] the lighter side of the President and it was positive and I think people came to empathize with the President on the daily routine, on the burdens of government.

“I certainly hope that it showed the President, after all, is not always serious,” pahayag ni Lacierda, base sa ulat ng ABS-CBN News Online noong January 5.

Ang totoo ay nagbigay-daan pa umano ang paglabas ni PNoy sa GGV upang mas makilala ng taong-bayan ang Pangulo ng bansa.

Nabanggit din ni Lacierda na nag-trending pa sa social media ang naturang episode.

“It trended number one and we saw from the comments that most of the comments were positive.

“It showed the lighter side of the President,” pahayag niya.

Nakatanggap din ng pambabatikos si PNoy matapos niyang purihin si Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima, na nahaharap sa dalawang kaso ng plunder.

Kasalukuyang suspendido si Purisima dahil sa diumano’y pagkasangkot nito sa isang maanomalyang kontrata sa pagitan ng PNP at isang courier service na nagde-deliver ng gun license cards.

Ayon kay PNoy, itinuturing niyang mabuting kaibigan si Purisima mula nang manilbihan ang huli bilang security detail ni late President Corazon Aquino, noong 1987.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni PNOy patungkol kay Purisima sa panayam sa kanya ni Vice: “Yung 'pag may imahen tayong negatibo sa kapulisan, hindi iyon ang nakilala ko sa pagkatao nitong si Alan...

“Ang dami niyang pinaghinuhuli at wala siyang sinasanto. Marami siyang kabaro na ngayon ay humaharap ng pagsakdal o nakulong dahil mali ang ginawa.”

Sabi naman ni Lacierda tungkol sa pagsuporta ni Pnoy kay Purisima, marapat lang na hayaang dumaan muna sa due process ang PNP chief bago ito husgahan kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN