Iya Villania defends Nikki Gil over virginity issue

Iya Villania (not in photo) defends friend Nikki Gil (left) from bashers, who are claiming that the latter is lying about her purity vow: "She is still a virgin. And the only time she traveled abroad with Billy was for work. It was not a vacation," Iya stated. Billy crawford is Nikki’s ex-boyfriend.


Ipinagtanggol ni Iya Villania ang matalik na kaibigang si Nikki Gil sa gitna ng pambabatikos na tinatanggap ng Kapamilya actress-TV host kaugnay ng no pre-marital sex vow nito.

Ito ay matapos kuwestiyunin ng isang basher ang paninindigan ni Nikki na hanggang ngayon ay nananatili siyang “virgin.”

Hindi maiwasang maungkat ang isyu dahil may ilang fans ang pilit na pinagkukumpara sina Nikki at Coleen Garcia, ang current girlfriend ni Billy Crawford.

Matatandaang naging karelasyon ni Nikki si Billy sa loob ng limang taon, hanggang sa maghiwalay sila noong July 2013.

Read: Billy Crawford on breakup with Nikki Gil: "It all boils down to me."

Sa Instagram post ni Nikki noong January 6, sinabi ng isang Instagram user na fan diumano ni Coleen na hindi siya naniniwala sa no pre-marital sex vow ni Nikki.

Lalo pa’t magkasama umanong nagbabakasyon sa ibang bansa sina Nikki at Billy noong panahong magkarelasyon sila.

Sabi ng fan ni Coleen na may handle name na @__mrsencar:

Base sa mga sumunod na comments ay naging mainit ang palitan ng salita ng fans nina Nikki at Coleen upang depensahan ang kani-kanilang idolo.

Bilang matalik na kaibigan, agad ding ipinagtanggol ni Iya si Nikki at pinatotohanan na “virgin” pa ang huli hanggang sa kasalukuyan.

Sagot ni Iya sa comment ni @__mrsencar:

Kapansin-pansing nag-umpisa ang bangayan ng fans nina Nikki at Coleen matapos kumalat ang mga larawan nina Coleen at Billy na kuha mula sa kanilang holiday vacation sa Maldives.

Habang si Nikki naman ay nagbabakasyon kasama ng kanyang pamilya sa Italy.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananataling tikom ang bibig nina Nikki at Coleen hinggil sa isyu.


THE NIKKI-BILLY-COLEEN CONNECTION. Sa cover story ng Cosmopolitan Magazine noong December 2013, inamin ni Nikki na third party ang dahilan ng breakup nila ni Billy.

Sinagot din dito ni Nikki ang espekulasyon na ang kanyang no pre-marital sex vow ang isa sa posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, sige! ‘Yan na ang kapintasan ko, boohoo!

“People have said, ‘Eh, kasi, lalaki. May pangangailangan.' My point exactly!

“See? Kung yun pala ang issue, [he didn’t really deserve me].

“Nobody told me to stay a virgin, or because I’m a stuck-up prude na holy-holy. It’s my choice.

“I’ve always been ma-pride—if sex is something that I value, [ganun talaga]!”

Read: Nikki Gil reveals third party caused breakup with Billy Crawford: "There were always a lot of warnings but I chose to ignore them."

Minsan na ring nadawit ang pangalan ni Coleen na diumano’y third party sa hiwalayang Nikki at Billy.

Ngunit makailang beses itong itinanggi nina Billy at Coleen sa mga nakaraang panayam sa kanila ng Philippine Entertainment Portal.

Ayon pa kay Billy, opisyal silang naging magkarelasyon ni Coleen noong July 2014.

Read: Billy Crawford on marriage talks with Coleen Garcia: "I want it to be the perfect time for her and for me."


NIKKI’S PURITY RING. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong “purity ring” si Nikki na bigay ng kanyang ina noon pang 2008.

Ito ay nagsisilbing simbolo ng no pre-marital sex vow ng actress/TV host/singer.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay makikitang suot-suot pa rin ni Nikki ang naturang purity ring, base sa kanyang Instagram posts.

Noong nakaraang buwan ay nagkaroon pa ng espekulasyon ang Instagram followers ni Nikki at pinagkamalang engagement ring ang suot nito.

Sa kasalukuyan, nauugnay si Nikki sa isang non-showbiz guy na nagngangalang BJ Albert.

Salute! 🍷🍷🍷

A photo posted by Nikki Gil (@nikkigil) onJan 1, 2015 at 10:40pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN