Senator Jinggoy Estrada’s alleged dubious bank transactions being linked to Janet Lim-Napoles

Based on a government investigation of their financial transactions, official documents reveal that Senator Jinggoy Estrada allegedly received kickbacks from pork barrel mastermind Janet Lim-Napoles amounting to P116.625 million. It also indicated the senator’s alleged conduits including Juan Ng and Francis Yengco.


Sa pagpapatuloy ng kasong plunder na kinahaharap ni Senator Jinggoy Estrada, may mga opisyal na dokumentong nagsasaad na tumanggap diumano ng P156 million ang senador bilang kickback.

Kaugnay ito ng diumano’y pakikipagtransaksiyon ni Senator Estrada kay Janet Lim-Napoles, itinuturing na utak sa likod ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Funds (PDAF) o pork barrel.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw, January 12, nailathala ang tungkol sa “significant check deposits or transactions” na idineposito gamit ang bank accounts ni Napoles at mga sangkot na non-governement organizations (NGOs) para sa “conduits” ng senador.

Pagkatapos ay idinedeposito diumano ng natukoy na “conduits” ang halagang natatanggap nila sa pitong bank accounts ni Senator Estrada at bank account ni Pauline Labayen, dating secretary ng senador na nahaharap din sa kasong plunder.

Sabi sa dokumento na naglalaman ng imbestigasyon tungkol dito: “Out of the P156 million alleged to be received by (Estrada) as kickbacks or commissions from the PDAF scam, approximately P70 million were alleged to be paid in cash and P86 million were received in checks.”

Kung susuriing mabuti ang nakatalang bank transactions sa naturang dokumento, lumalabas na tumanggap ang senador ng cash deposits na may halagang P116.625 million.

Nakasaad din dito na September 21, 2007 hanggang March 24, 2010 ay tumanggap si Senator Estrada ng cash deposits at isang fund transfer, na hinihinalang kickback o komisyon ng senador mula kay Napoles.

Ang check deposits, na may kabuuang P116.625 million, ay tinanggap diumano ng senador mula noong 2010 hanggang July 26, 2012.

Bukod sa natukoy na siyam na diumano’y tagapamagitan nina Napoles at Senator Estrada, pinangalanan sina Juan Ng at Francis Yengco na madalas diumanong tumatanggap ng check deposits.

Sa pagdinig ng kaso ni Senator Estrada noong December 1, inihayag ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy na sina Ng at Yengco ang ilan sa mga nagsilbing tagapamagitan at tumanggap ng kickback para sa senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binalaan noon ni Associate Justice Maria Cristina Cornejo si Luy na walang basehan ang kanyang pahayag, dahil nalaman lang ng huli ang tungkol sa naturang impormasyon mula kay Napoles.

Ngunit base sa imbestigasyon ukol dito, natukoy ang diumano’y proseso ng paglipat ng kickback mula sa sangkot na NGOs papunta kay Napoles at sa mga kasabwat ng businesswoman.

Kabilang sa natukoy na NGOs ay ang Social Development Program for Farmers Foundation Inc.), Agri-Economic Program for Farmers Foundation Inc., at Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc.

Mula sa apat na bank accounts na pag-aari ni Napoles ay ililipat ang pera sa anim na Metrobank accounts at sa magkahiwalay na Chinabank accounts nina Ng at Yengco.

Base pa rin sa imbestigasyon ay natukoy na mula sa bank accounts nina Ng at Yengco ay nakatanggap ng check deposits si Senator Estrada.

Sa isang panayam noong nakaraang buwan, inamin ni Senator Estrada na personal niyang kakilala si Ng.

Ngunit mariing pinabulaanan ng senador ang alegasyong pakikisabwatan niya kina Ng at Napoles.

Pahayag ng senador, “He [Luy] is concocting stories.

“I know Juan Ng. I know him personally.

“Maybe he has different transactions with Napoles, which I don’t know.”

Si Yengco naman ay dating city administrator ng San Juan at nanilbihan din bilang Senate director.

Sa kasalukuyan, si Yengco ay pinuno ng General Service Offices ng Manila, na pinamumunuan ng ama ni Senator Jinggor na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Si Senator Estrada ay pormal na sinampahan ng Ombudsman ng kasong plunder sa Sandiganbayan noong June 2014.

Ito ay dahil sa diumano'y tinanggap na kickback ng senador na nagkakahalaga ng P183,793,750

Read: Ombudsman files plunder case vs. Enrile, Revilla, Estrada in Sandiganbayan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN