Hayden Kho happy to hear that Katrina Halili is now ready to end their rift

Hayden Kho Jr. on settling his issue with Katrina Halili: “Matagal ko nang gusto, e. Minsan kasi, ang problema, kung meron kang sama ng loob, hindi mo mailabas, e. So, kung meron pa siyang sama ng loob, gusto ko marinig, ‘di ba? Para… not just for my sake, but also for her sake.”


Natutuwa si Dr. Hayden Kho Jr. sa nakarating sa kanyang impormasyon na handa nang makipagbati sa kanya si Katrina Halili.

Matatandaang nasangkot sa napakalaking kontrobersiya noon sina Hayden at Katrina dahil sa pagkalat sa Internet ng kanilang sex video.

Pahayag ni Hayden tungkol sa posibleng pagkakaayos na nila ni Katrina, “Kung totoo man ‘yan, e, di masaya ako.

“Sa akin, yun din naman ang gusto kong mangyari.

“Sana magkaroon kami ng pagkakataon na maisarado na yung isyu na ‘to between the two of us.

“Ako naman, gusto ko nang maayos na ang lahat, wala nang gulo, ‘di ba?

“Dapat lang naman na magkausap kami, at kung pagpalain ng Diyos, sana matuloy na mag-usap kaming dalawa.

“Malamang kasama si Vicks [Dra. Vicki Belo] para malinis lang lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hayden sa launch ng mga bagong show ng TV5 sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City, kagabi, January 13.

Sina Hayden at Dra. Edinell Calvario ang hosts ng lifestyle show na Healing Galing.

REACHING OUT. Noon pa man ay hangad na raw ni Hayden na makipag-ayos kay Katrina, pero ang nakakarating sa kanya ay hindi pa raw handa ang aktres.

“Sa totoo lang, nag-reach out na rin naman ako kay Katrina. Late last year lang.

“Hindi ko alam kung totoo, pero ang sabi sa akin ng in-ask ko, dalawang tao na kasi ang in-ask ko, sabi lang sa akin, hindi pa raw siya ready.

“So, I respect that.

“Baka nitong time ni Dingdong [wedding], ready na siya, hindi ko lang alam.

“Siguro susubukan ko na lang ulit.

“Matagal ko nang gusto, e.

“Minsan kasi, ang problema, kung meron kang sama ng loob, hindi mo mailabas, e.

“So, kung meron pa siyang sama ng loob, gusto ko marinig, ‘di ba?

“Para… not just for my sake, but also for her sake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATRINA-VICKI RECONCILIATION. Sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, 2014 ay parehong imbitado sina Hayden at Katrina.

Kasama ni Hayden ang nobya niyang si Dra. Vicki Belo, habang si Katrina naman ay kasama ang anak niyang si Katrence.

Sa naturang kasalan din naganap ang pagbabati nina Katrina at Vicki.

Read: Katrina Halili makes peace with Vicki Belo; ready to do the same with Hayden Kho

May pagkakataon din sanang magkabati sina Hayden at Katrina, ngunit hindi na raw lumapit ang na-reinstate na cosmetic surgeon para hindi sila makaagaw ng eksena.

Ayon kay Hayden, “Nakita ko naman si Katrina nun, e, pero hindi ako lumapit kasi ang daming camera, e.

“Para sa akin, magbabati kami, mas maganda in private kesa yung in public.

“Para wala nang masabi ang mga tao na baka for show lang ‘yan. Plastikan lang ‘yan, showbiz lang ‘yan… huwag na. “

Dagdag pa niya, “Ayoko din makaagaw pa ng eksena in a way. Yung manggulo ka pa dun sa…

“Hindi mo naman kayang agawan pa ng eksena yung sobrang ganda ng wedding nina Marian at Dingdong.

“Ayoko lang makadagdag pa sa eksena dun, marami nang eksena dun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN