Iya Villania reveals she was a virgin until her wedding night

Iya Villania on defending close friend Nikki Gil on virginity issue: “I know it’s unfair that despite her claims, parang she was being accused pa of being a liar. I mean, it’s really up to someone to tell the world about it or not. But you know, I don’t think it’s fair that she was being accused pa of lying.”


Bilang kaibigan, masaya raw si Iya Villania sa current status ng lovelife ng dating kasamahan niya sa ABS-CBN na si Nikki Gil.

Itinuturing ni Iya na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz si Nikki, at iba rin daw ang naging bonding nila noong magkasama pa sila sa ASAP.

Kahit nasa GMA Network na si Iya, hindi pa rin daw napuputol ang komunikasyon nilang dalawa ni Nikki.

Sabi ng TV host-actress tungkol sa lovelife ni Nikki, “Na-meet ko na yung guy bago pa naging sila.”

Pero nilinaw ni Iya na hindi siya ang nagsilbing tulay para magkakilala at magkatuluyan ang kaibigan at ang boyfriend nito ngayon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iya sa launching nila ni Piolo Pascual bilang endorsers ng Silka Papaya Beauty soap, noong Martes, January 13, sa 55 Events Place, Tomas Morato, Quezon City.


VIRGINITY. Nang mabanggit kay Iya ang pagdepensa niya kay Nikki laban sa bashers nito sa social media tungkol sa isyung virginity, inamin nitong natawa siya sa naging reaksiyon ng marami sa kanyang statement.

Read: Iya Villania defends Nikki Gil over virginity issue

Ayon kay Iya, hindi ito dapat naging isyu dahil ito naman daw ang dapat, lalo’t tayo ay nasa isang Catholic country.

Dapat bang ma-maintain ng isang babae ang kanyang virginity hanggang sa araw ng kasal nito?

Pahayag ni Iya, “I do believe in that.

“You know, I don’t look down upon other girls who practice it [pre-marital sex].

“It doesn’t make you less of a person. Kanya-kanya namang values ‘yan, e.

“But, personally, I do believe that one should not practice pre-marital sex.”

Base sa nilalaman ng statement ni Iya, lumalabas na virgin siya nang pakasalan ni Drew Arellano noong February 3, 2014.

Bago sila ikinasal ay sampung taon naging magkasintahan sina Iya at Drew. Ibig sabihin, ganun katagal din ang ipinaghintay ni Drew bago sila nagsiping?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes!” natatawang pagkumpirma ni Iya na parang kinikilig.

Dagdag niya, “Doon ko naman na-confirm na mahal niya talaga ako.

“He was very patient, yes…

“I mean, it’s easy now for me to say because we’re married now.”

Kaya pala ipinagtanggol niya si Nikki dahil alam ni Iya ang pinagdadaanan nito.

“Yes, because I know how it feels.

“I know it’s unfair that despite her claims, parang she was being accused pa of being a liar.

“I mean, it’s really up to someone to tell the world about it or not.

“But you know, I don’t think it’s fair that she was being accused pa of lying.”

Nakakabilib naman na napanatili ni Iya ang kanyang virginity hanggang sa wedding?


“It’s actually nakakatawa. Mas nakakabilib si Drew!” tawa niya.

“It’s actually easy for… which is why ang lakas ng loob ko magsabi.

“It’s easy for girls who hasn’t experienced anything ‘coz you don’t know what you’re missing out on!


“That’s why I made my stand.

“That’s why I really don’t intend it to become a huge issue, kaya huwag na lang ninyong palakihin ito.”

LOYALTY. Paano naman nagawang mahawakan ni Iya si Drew na hindi ito nagloko at nagtangkang pumatol sa iba, gayong hindi niya ipinagkakaloob ang kanyang sarili?

Ayon kay Iya, “Well, nasa values din naman ng lalaki yun, e. Actually, he’s Catholic.

“It’s really up to the person. It really boils down to the values.”

Hindi siya kailanman nagduda na kumaliwa si Drew?

“I mean, sa ten years of being together, there were times na we made mistakes.

“But, you know, that’s what it is to be a person. I mean, no one had never made mistakes.”

Hindi ba siya selosa?

“Huwag mo lang akong bigyan ng dahilan, pero hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maipapayo niya sa ibang kababaihan na huwag muna silang lulusong sa pre-marital sex para magkaroon sila ng married life na katulad ng sa kanila ni Drew?

Tugon ni Iya, “You know, I have to say na it’s not something that it’s guaranteed, ha. But it is something that I would encourage.”

Bilang babae, ano ang pakiramdam na napanatili niya ang kanyang virginity hanggang sa araw ng kasal niya?

“It’s something that a girl can be proud of, especially in this age where you saw how the people reacted. It’s rare.

“I think it’s something that you can be proud of.

“And I think it’s something that Drew is also proud of me,” nakangiting pahayag ng 28-year-old TV personality.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN