PEP EXCLUSIVE. Marjorie Barretto speaks up about snubbing incident between daughter Julia and ex-husband Dennis Padilla

Nilinaw ni Marjorie Barretto ang alegasyon ni Dennis Padilla na inisnab siya ng kanilang anak na si Julia Barretto sa isang Christmas party na pareho nilang dinaluhan. Sabi ni Marjorie, "Kung lumapit ba naman siya at inakap niya, di na-assure yung bata na, ‘Hindi na ako kailangang matakot sa ‘yo. Ayos na tayo.’ Dapat siya ang unang nag-reach out kasi siya naman yung nakipag-away."


“I hope lang my statement, whether I get criticized for that or not, I just have to clear it. Somebody has to talk, kasi kung hindi, parang guilty kami.”

Ito ang asam ni Marjorie Barretto sa pagsasalita niya sa unang pagkakataon kaugnay ng mga naging pahayag ng dating asawa na si Dennis Padilla laban sa kanilang panganay na anak na si Julia Barretto.

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis sa launch ng bagong shows ng TV5 noong Martes, January 13, ay isiniwalat niya ang kanyang sama ng loob kay Julia dahil diumano sa hindi pagpansin nito sa kanya nang pareho silang um-attend ng isang Christmas party noong December 14.

Read: PEP EXCLUSIVE: Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Negatibo ang karamihan ng komento o reaksiyon para kay Julia ng mga nakabasa ng artikulong inilathala ng PEP kahapon, January 14.

Dahil dito ay binasag na ni Marjorie ang kanyang katahimikan upang ipagtanggol ang anak.

Eksklusibong nakausap ng writer na ito si Marjorie, sa pamamagitan ng telepono, ngayong Huwebes ng hapon, January 15.

SNUBBING INCIDENT. Unang inusisa ng PEP kay Marjorie ang pahayag ni Dennis na inisnab o hindi raw siya pinansin ni Julia nang magkita sila sa Christmas party ng Dreamscape, ang drama unit ng ABS-CBN na pinamamahalaan ni Deo Endrinal, noong December 14, 2014.

Simula ni Marjorie, “This is the story I know… I was not there. This is the story I got from Julia.

“She went to the Christmas party bilang part of Dreamscape.

“Hindi naman niya expected that Dennis is going to be there in that party.

“So, she went there daw, according to her, pagpasok pa lang… sa entrance pa lang, maraming-maraming tao sa labas.

“She came on her own. Ang ginawa raw niya, dire-diretso siya papasok.

“Kasi alam niya, nandun na yung mga kasamahan niya, nandun na yung mga friends niya from Dreamscape, so she went straight inside.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw alam ni Julia na kabilang pala sa mga taong nasa labas ng venue ang amang si Dennis.

Patuloy na lahad ni Marjorie, “So, yung pagpasok pa lang niya sa party area, nang nalaman niya, may mga nagsabi sa kanya na nandun sa labas si Dennis.

“So, yung point naman niya [Julia], hindi naman niya alam…

“Hindi ba, normally, yung father and daughter, may relationship na, ‘Uy, pupunta ka ba ng party mamayang gabi, ‘andun ako.’

“So, puwede naman kayong mag-text-an. Puwede naman ‘yon, ‘di ba?

“As father and daughter… ‘Magkita tayo dun.’ Wala namang ganun.”

Ayon kay Marjorie, alam ni Dennis ang cellphone number ni Julia kaya maaari niya itong i-text.

“So, ang point lang ni Julia, which I think tama naman, kung si Dennis naman ang unang nakakita sa kanya, bakit hindi siya ang unang bumati kay Julia?”

JULIA IS SCARED OF DENNIS. Inamin ni Marjorie na may malaking dahilan kung bakit nauwi sa ganito ang relasyon ng mag-ama, pero hindi na raw ito dapat pang malaman ng mga tao.

Ngunit pahayag niya sa hindi pagpapansinan nina Julia at Dennis sa party, “If you know that all is well with your relationship with your child…

“Kung wala siyang guilt towards your child, na may away sila, the instinct of the father is lalapitan mo siya…

“‘Mag-isa ka lang ba, anak? Samahan kita sa loob.’ Hindi ba ganun ang ama?

“Why don’t you approach her? Anak niya yun, e.”

Pagsisiwalat pa ni Marjorie, “When people told her that Dennis was there, ang totoo nun, she was scared.”

Ikinuwento ni Marjorie kung ano ang pinanggalingan ng takot ni Julia sa kanyang ama.

“Nung November 25, nag-text si Julia sa kanya [Dennis].

“Sinagot niya ng maraming masasakit na salita, marami… siguro 20, 30 items, sunud-sunod.

“Siguro hindi sanay yung bata na pagsalitaan siya ng masakit… they retreat, they get scared, they go back to their shell.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makatanggap ng masasakit na salita sa text mula kay Dennis ay hindi na raw sumagot si Julia.

“Hindi na siya nag-reply. Nagkaroon siya ng fear… takot siya dahil dun sa texts.”

Pagkatapos daw nun ay wala nang komunikasyon ang mag-ama, kaya raw nang magkita sina Julia at Dennis sa Christmas party ng Dreamscape, ayon kay Marjorie, “She didn’t know how she would react.”

Alam din daw ng mga taong kasama ni Julia sa party kung gaano ito katakot nang makita ang ama.

“They knew she was really scared.

“She was probably thinking, ‘Kahit anong gawin ko o sabihin ko, lalabas akong mali.’

“Dahil siya yung anak, dahil hindi naman nila alam yung story behind.”

Sa katunayan pa nga raw ay umalis na si Julia sa venue pagkalipas lamang ng 30 minuto dahil hindi na niya kinaya ang tensiyon.

Ayon kay Marjorie, “Hindi siya nagtagal sa party, hinatid siya nung mga friend niyang artista at staff ng Dreamscape palabas when they learned about the whole situation."

MISSING PIECES. Umalma rin si Marjorie sa sinasabing si Julia ang nang-isnab kay Dennis.

Aniya, “Hindi ba si Dennis ang unang nang-snub sa anak niya? Siya ang unang nakakita, e.

“Kung lumapit ba naman siya at inakap niya, di na-assure yung bata na, ‘Hindi na ako kailangang matakot sa ‘yo. Ayos na tayo.’

“Dapat siya ang unang nag-reach out kasi siya naman yung nakipag-away.

“So, the point here is, hindi ka inisnab ng anak mo, she was scared of you.

“Sana nilapitan niya yung anak niya, in-assure niya yung bata na, ‘Okay na tayo, wala ‘yon. Yung tinext ko sa ‘yo, wala ‘yon. Mahal pa rin kita…’”

Sa palagay rin ni Marjorie, maraming katanungan ang publiko sa likod ng alitan nina Dennis at Julia dahil hindi sila nagsasalitang mag-ina.

“Hindi pa nakukumpleto ng mga tao yung puzzle kasi there are pieces still missing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There are still pieces missing because hindi nagsasalita yung anak ko, hindi rin ako nagsasalita.

“This is the third attack on our child. The first two, hindi kami talaga nagsalita.

“Pero this needs to be corrected.”

Giit niya, “Kung ang isyu niya, snub, you don’t call that snubbing.

“Ang point number one ko, siya ang unang nakakita kay Julia.

“Kung wala siyang guilt, wala siyang alam na ginawa na masama kay Julia, why didn’t you assure her that, ‘Uy, wala na yun, ha. Yung mga tinext ko sa ‘yo, wala na ‘yon.’

“Why didn’t you do that para yung bata, hindi natatakot?

“I’m sure she would hug him back. Knowing my daughter, you know…

“She was looking at his eyes, she saw that, e.”

Sabi pa niya, “We know Dennis very well, people don’t.

“Alam namin kung bakit ganun na kalalim…”

BROKEN PROMISE. Ayon sa salaysay ni Marjorie, lumalabas na nag-ugat ang masasakit na text messages ni Dennis kay Julia nang magkita at mag-usap ang mag-ama sa burol ng ina nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago na si Cielito Legaspi-Santiago noong September 27, 2014.

“Yung pagkikita nila Dennis at Julia, nakapag-usap sila….

“In the exchange of pag-uusap nila, nangako si Dennis na he will withdraw the case against kay Julia.

“Nangako naman ang anak ko sa kanya na, in return, ‘Okay, Papa, mag-usap tayo… let’s set a meeting, let’s talk in better location, better time.’

“Hindi yung parang public at may wake, ‘di ba?

“So, nagpangakuan yung mag-ama…”

May kinalaman ito sa petition ni Julia sa korte na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia (na siyang tunay na apelyido ni Dennis) sa Barretto.

Ngunit tila hindi natupad ni Julia ang pangako niya sa ama na mag-uusap at magkikita sila dahil na rin sa pagiging abala ng young actress sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay madalas na naaantala o hindi natutuloy ang pagkikita sana nilang mag-ama.

Sabi ni Marjorie, “Tuluy-tuloy naman ang trabaho ni Julia, totoo naman ‘yan.

“Madali namang i-check ‘yan sa Star Magic, ‘di ba? Meron naman silang calendar of works.”

Sa isang punto ng paghahanap nila ng schedule para sana sa kanilang meeting, tinext ni Julia si Dennis upang tanungin kung ano ang cellphone number ng abugado ng komedyante.

Dito na raw nag-text ng masasakit na salita si Dennis laban sa anak.

Sabi ni Marjorie, “She was really traumatized… so hindi na sumagot si Julia simula nun.

“Talagang yung text, ang dami!

“It was really very distressing for me to see it.”

Ngunit iginiit ni Marjorie na sinubukan talaga ni Julia na ayusin ang gusot nila ng ama.

“I have to give her credit for that. Yun, hindi alam ng mga tao ‘yan.

“Gusto niyang makipag-ayos. Kasi magde-debut na siya, e, ‘di ba?

“Magpa-Pasko, magde-debut… so, she was always saying, ‘Let’s set a meeting with Papa.’

“Julia wanted to fix things with her father.”

Sabi pa ni Marjorie, “So, the willingness is there.

“In other words, kami na nga ang nag-initiate na makipag-ayos, na makapag-usap silang mag-ama.

“Hindi lang nag-work dahil yung idinikta nilang schedule, hindi akma sa schedule ni Julia.”

Baling pa niya ulit kay Dennis, “Kailangan bang pag-usapan pa ‘yon?

“The problem is trust. You have to trust your own parents.

“You’re supposed to protect Julia. You’re not supposed to divulge every personal communication they have.

“Kasi paano mo mao-open yung communication when every chance you get, you talk about it in public?”


GAG ORDER. Kaugnay naman ng petitsyon ni Julia ng pagpapalit ng apelyido, sinabi ni Marjorie na may gag order na mula sa korte kaya hindi sila gaanong makapagsalita tungkol dito.

“As much as I want to tell you the details, I respect the gag order kasi… especially na-violate ni Dennis ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Marjorie ang espekulasyong hindi maaaring mag-usap sina Julia at Dennis nang wala ang kani-kanilang mga abugado.

“A, no naman, hindi naman. No, no, no… puwede naman silang mag-usap mag-ama.

“Kaya lang, kilala namin si Dennis, e.

“Kailangan may witness para hindi magbago yung kuwento. Kailangan well-documented.

“Kaya kung mag-meet sila, puwede naman silang mag-meet mag-ama separately, kahit one hour, two hours.

“’Tapos kapag nakapag-usap ang mag-ama, nagkaayos sila, puwede silang lumipat sa mga abugado nila. They can iron out everything.

“Hindi rin puwedeng wala ring abugado kasi may kaso, e. Kailangan may mga abugado.

“Tama naman yun, e, ‘di ba? They can have their own time silang mag-ama.

“Scheduling lang talaga. Medyo that works for both of them.”

NEXT: Marjorie Barretto denies brainwashing Julia and her other children


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN