Alden Richards settles misunderstanding with Rita de Guzman: “Niyakap ko lang siya. Iyon na yun.”

Alden Richards on how he cleared up a misunderstanding with Rita de Guzman: “Nung nagkita kami, siguro after a month na lumabas yung article, tapos nagkita kami sa SAS [Sunday All Stars], nagkasalubong kami sa hallway. Niyakap ko lang siya. Iyon na yun.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards sa Luxent Hotel noong Martes, January 13, sa launch ng mga bago (at dating) Boardwalk endorsers na kinabibilangan nina Janine Gutierrez, Rich Asuncion, Kim Rodriguez, Juancho Trivino, Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Si Alden ay celebrity endorser para sa Artiste collection for men ng Boardwalk.

Kung sa underwear line inilagay si Alden bilang endorser, papayag ba siya?

“Oo naman,” ang mabilis na sagot ni Alden.

“'Pag ready na ako.

“Briefs agad? E, hindi pa nga ako... actually bumalik ako ngayon sa working out, para at least naman kahit wala akong pinaghahandaan, fit.

“So hindi natin alam, baka this year o next year, briefs agad, o!”

Naghubad naman siya last year para sa Cosmo magazine.

“Depende pa, 'pag humabol ako sa... yung peak ng katawan 'pag puwede, salang ulit,” dagdag niya.

Wala naman raw siyang peg o pinaggagayahan na katawan na gusto niyang ma-achieve.

“Wala, e. Sino ba? Parang wala naman akong peg.

“Ano lang, kung ano lang ang kalabasan niya.

“Basta gusto ko lang maging slim, hindi masyadong bulky. Kumbaga pag naka-t-shirt, nakadamit okay, pero pag naghubad, uy!”

READY TO BARE? Papayag naman siya mag-underwear, pero sa tamang panahon, at sa tamang paghahanda ng katawan niya.

“Opo naman, yes. Depende po sa sistema ko kung kaya na,” amin pa niya.

Hindi ba siya mag-iisip na, 'Ah, hindi bagay sa wholesome image ko!’

Rason niya, “E, kasi naman po parang... may ganun pong thinking pero mabilis na po panahon ngayon, e. Kumbaga, dapat if you have to make yourself available, sige na, ilatag mo na!”

DINGDONG'S SUCCESSOR? Ngayong nag-asawa na si Dingdong Dantes na Primetime King ng GMA, si Alden, bilang Primetime Prince, ay malamang na mataguriang next in line. Ano ang masasabi niya rito?

“Uy, sandali po, hindi totoo 'yan!” mabilis niyang tanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siyang tanggapin ang trono?

“Kay Kuya Dong pa rin yun, siyempre,” diin niya.

Kung totoo ang napapabalitang papasukin na ni Dingdong ang pulitika, may posibilidad na mag-lie low ito, kaya hindi imposibleng si Alden ang humalili bilang hari.

“Kung sakali po, e 'di thank you po sa GMA kung bigyan nila ako ng ganung klaseng opportunity. Makakasiguro naman po sila na paghihirapan ko lahat ng ibibigay po sa akin na projects,” pahayag ni Alden.

READY FOR LOVE. Ngayong 2015, bukod sa lalong pagiging matagumpay ng kanyang showbiz career, nais rin ni Alden na magkaroon ng magandang lovelife.

“Sana magkaroon na. Kung may dumating, go!” ngiti niya.

Wala pa siyang napipisil na ligawan?

Aniya, “Wala pa po, e.”

SETTLES MISUNDERSTANDING WITH RITA. Samantala, nagkita na sila ni Rita de Guzman matapos ang naging issue kung saan sinabi ni Rita na nagkaroon sila ng mutual understanding ni Alden.

Read: Alden Richards clarifies Rita de Guzman's claim that they had mutual understanding

Kuwento niya, “Nung nagkita kami siguro after a month na lumabas yung article, tapos nagkita kami sa SAS [Sunday All Stars], nagkasalubong kami sa hallway.

“Niyakap ko lang siya. Iyon na yun.”

Ano ang sinabi ni Rita sa kanya?

Patuloy pa niya, “Nag-sorry lang po siya. Sabi ko, ‘Okay lang yun.’

“Nag-sorry po siya pero okay naman po sa akin yun, walang issue.”

Ano ang isinagot niya sa pagsu-sorry ni Rita sa kanya?

“Sabi ko, ‘Okay lang yun walang issue. Alam mo naman ganun ako sa inyo talaga sa set.’

“So naintindihan naman niya po,” sabi pa ni Alden.

REAL GENTLEMAN. Sobrang "sweetness" kasi ang ipinakita dito ni Alden tuwing magkasama sila.

“Ganun naman po ako sa lahat, e. Nami-misinterpret.

“Kahit tanungin n'yo pa po yung iba kong nakakatrabaho. Marami naman po ang makakapagpatotoo na ganun ako sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako po, kung ano po sa kanila, siguro it’s out of friendship talaga and out of talagang gusto kong maging special yung 'pag meron akong nakakatrabaho.

“I see to it na kumbaga, iyon yung pagiging gentleman ko po, e.

“Ganun yung way ko, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN