Zsa Zsa Padilla clarifies Dolphy’s Marina property is not for auction

Zsa Zsa Padilla says she and daughters Nicole and Zia have decided to keep the Marina property, which they inherited from the late Comedy King Dolphy for “as long as we can run it.”


Nilinaw ni Zsa Zsa Padilla na hindi kasama ang bahay na iniwan ng yumaong si Comedy King Dolpy para sa kanya at mga anak nilang sina Nicole at Zia sa mga ipapa-auction sa January 31.

Ayon kay Zsa Zsa, wala pa silang balak ibenta ito.

“Kasi, the place is still developing. Sayang at saka walang nagbebenta roon, Marina lang.”

Dagdag pa niya, hindi nila ito ibebenta “as long as we can run it.”

Kasalukuyang nakatira ang mga dalagang anak ni Zsa Zsa sa property nila sa Marina, Roxas Boulevard, Pasay City. Samantalang ang Divine Diva ay nakatira na ngayon sa bahay ng kanyang architect-boyfriend na si Conrad Onglao.

Sa kabilang banda, pinabulaanan naman ni Zsa Zsa na may problema sa pagitan niya at mga anak ni Dolphy tungkol sa gaganaping auction.

Sabi pa niya, bahagi rin siya sa mga makakakuha ng share mula sa mabebentang properties ng yumaong Comedy King.

Maiksing pahayag niya, “Meron kasi kaming iba-ibang properties and may equal sharing.”

Read: Dolphy properties to be sold via live auction

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Zsa Zsa sa press conference ng pelikula niyang M: My Mother's Maiden Name noong January 14.


GETTING ENGAGED. Samantala, natawa si Zsa Zsa nang tanungin tungkol sa balitang engaged na siya.

Noong nakaraang taon kasi ay may na-post siyang larawan nila ni Conrad kung saan tila nagpapakita ng singsing si Zsa Zsa.

Paglilinaw ng Kapamilya singer, “Wala namang intention ang picture na 'yon, kasi bubbles ang ipinakikita ko nun.

"'Di ko alam kung bakit naging... At saka bigay ni Dolphy yung singsing na 'yon.”

Sa ngayon, sabi ni Zsa Zsa, masaya siya sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Gusto rin niyang iparating kay Conrad na hindi ito dapat ma-pressure pagdating sa usapin ng engagement.

Aniya, “He shouldn't be pressured. People just want a happy ending for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, with everything they've witnessed that I've went through, gusto naman nila na malagay sa tahimik.

“I think I've proven myself to be an independent person also.

“I have the capacity naman and, by God's grace, I always have work naman.

“So, kung lalagay sa tahimik, I don't know if it's for a sense of security.”

Dagdag pa niya, wala naman problema kung sakaling mauwi sa mas seryosong sitwasyon ang relasyon nila ni Conrad.

Sabi ni Zsa Zsa, “We're both single.

"It's just that in our tradition, we wait for the guy to propose to us unless I want to propose.

"I don't know when the right time is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN