(UPDATED) Kat Alano reveals she was raped by a “celebrity” charged of rape, but was "allowed to go free"

An excerpt from Kat Alano’s open letter to Department of Justice Secretary Leila De Lima: "You see Secretary De Lima, I myself am a victim of the same man who has been allowed to go free under your jurisdiction. At 19 years old, I was raped 10 years ago and I dread to think how many more silent victims there have been since me."


Halos isang taon mula nang ibunyag niyang naging biktima siya ng panggagahasa, nagbigay ng panibangong clue ang TV and radio personality na si Kat Alano kung sino ang “public figure” na diumano’y gumawa ng karahasan sa kanya.

“For those who have been waiting for me to say who my rapist is, it doesn't get more specific than this.

“I'm tired of keeping my silence, of watching people protect a man who has hurt so many women for years,” pahayag ni Kat sa kanyang Facebook post noong January 19, Lunes.

Kalakip nito ay ang open letter ni Kat para kay Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, kung saan sinabi ng radio DJ na ang lalaking diumano’y gumahasa sa kanya ay ilang beses nang naharap sa reklamong panggagahasa ng ibang biktima nito.

Ayon pa kay Kat, ang tinutukoy niyang public figure ay kilalang “rapist,” ngunit napawalang-sala dahil sa kakulangan ng “probable cause.”

Kasabay nito ay kinondena ni Kat ang kawalan ng “justice system” sa ilalim ng “jurisdiction” ni De Lima, lalo na pagdating sa kaso ng mga babaeng biktima ng panggagahasa ‘tulad ng TV and radio personality.

Ito umano ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi interesado si Kat na magsampa ng reklamo laban sa gumawa ng karahasan sa kanya.

Pahayag ni Kat sa isang bahagi ng open letter niya kay De Lima: “Under your jurisdiction, a PUBLIC FIGURE who is a KNOWN RAPIST that has had several rape cases filed against him has been allowed to go free, scaring the rest of his victims into submission, knowing the ease at which the other cases were dismissed without fair deliberation.

“It has also proven something I knew to be true long ago, that filing a case in our court system against the man who raped me would end only in an unfair dismissal and a perjury case filed against me for 'damaging his reputation' by trying to bring this man to justice for what he has done to me and many others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One does not need to be a lawyer to have the inner workings of our justice system figured out.

"There have been many other publicized rape cases against public figures which have ended the same way, in favor of the rapist and NOT in favor of justice for the victims.

“You see Secretary De Lima, I myself am a victim of the same man who has been allowed to go free under your jurisdiction.

“At 19 years old, I was raped 10 years ago and I dread to think how many more silent victims there have been since me.”


ALLEGED RAPE INCIDENT. Matatandaang January 2014 nang lumikha ng kontrobersiya ang Twitter posts ni Kat tungkol sa rape.

Kasagsagan noon ng isyu tungkol sa akusasyon ng modelong si Deniece Cornejo na ni-rape diumano siya ng actor-TV host na si Vhong Navarro.

Read: DJ Kat Alano's Facebook and Twitter posts about rape create buzz

Sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo noong April 24, 2014, tahasang inamin ni Kat na biktima siya ng panggagahasa ng isang “public figure.”

Bago nangyari ang naturang insidente, sampung taon na ang nakararaan, inilahad ni Kat na naka-hangout niya sa isang club ang ‘di pinangalanang lalaki.

Pagkatapos ay inalok daw siya nitong ihatid sa bahay at pumayag naman si Kat sa pag-aakalang mapagkakatiwalan ito.

Pagdating nila sa inuuwian ni Kat ay nagpumilit umano ang lalaki na pumasok sa loob ng bahay, at saka siya diumano pinagsamantalahan nito.

Inilahad din dito ng TV and radio personality na ang nag-udyok sa kanyang ibunyag ang dinanas na karahasan ay nang pumutok ang balita tungkol sa alegasyong panggagahasa na ibinato ni Deniece laban kay Vhong.

Sabi ni Kat, “Out of all the high-profile cases that have been in the media, this one is something that triggered me the most…

“It broke me wide open…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And all these feelings you thought that you have never had or ever had to deal with are all of a sudden coming back."

Read: Kat Alano recounts how she was raped by a public figure nine years ago

Sa kaso ni Deniece, matatandaang ibinasura ng DOJ noong April 2014 ang unang reklamo ng panggagahasa na isinampa ng modelo laban kay Vhong.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong gabi ng January 22—eksaktong isang taon ngayong araw.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo to face serious illegal detention, grave coercion raps; DOJ junks Deniece's rape complaint vs Vhong Navarro

Maging ang ikalawang reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban kay Vhong ay ibinasura ng Taguig Prosecutor’s Office noong July 2014.

Ito ay dahil sa umano'y kawalan ng basehan at kaduda-dudang testimonya ni Deniece hinggil sa insidenteng panggagahasa ng actor-TV host.

Read: Deniece Cornejo's second rape complaint against Vhong Navarro junked


UNFAIR TRIAL OF “MY RAPIST’S VICTIMS.” Sa pagpapatuloy ng open letter ni Kat kay De Lima, kinuwestiyon niya kung bakit hindi itinuturing ng korte na sapat na ebidensiya ang testimoniya ng babaeng biktima ng panggagahasa.

Lalo pa’t ang tinutukoy diumano ni Kat na akusado ay higit sa isa ang biktimang ginawan ng karahasan.

Katuwiran ni Kat: “From my research, I understand that according to our laws, rape is a non-bailable offense and as long as a victim's testimony is inherently credible it should be enough to incite probable cause.

“Yet due to personal, cultural and societal biases in the Philippines, JUSTICE has been unfairly weighed IN FAVOR OF RAPISTS and the people of our country know this.

“As long as an alleged victim's testimony is inherently credible, should that not stand as enough probable cause to go to court?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even if one victim can cast doubt upon the claim, shouldn't the testimony of several victims accusing the same man be weight enough to at least give the victims a fair and just trial?

“Especially given that other victims will have seen how difficult it is to accuse a man publicly without suffering violent judgement from the court of biased public opinion?

“Threats on one's life will keep the astounding number of other victims from speaking up; and if victims are brave enough to come forward, should they not at least be heard by a judge?

“None of my rapists' victims have even made it into a courtroom to have their testimony heard. Even if they did, the chances of them getting a fair trial are slim to none under the current system.”

Sa huli, nakiusap si Kat si De Lima na tulungan siya at ibang rape victims na makamit ang hustisya, lalo na kung ang akusado ay kilalang personalidad.

Base diumano sa kanyang personal na karanasan, inulan pa siya ng pambabatikos at sinabihan ng kanyang followers sa social media na kagagawan niya kung bakit siya nagahasa sampung taon na ang nakararaan.

“In accusing public figures of rape there is an even greater problem and misconception that many believe a claim of rape is a ploy to get attention, to become 'famous' if you will.

“This is a reflection of the terrible values that have been instilled into our people by the media.

“I know this because after my public admission of being raped last year, I was put out of work, as I have been for the past year, a plight I share with other victims who have accused this man of rape publicly.

“The negative attention I have received from the public has been derogatory and violent, some of his supporters have even made threats against my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There is no pleasant publicity or 'fame' from accusing a highly popular celebrity of rape.

“It only causes victims who are already living with shame and guilt even more pain, fear and angst.

“This cannot be allowed to continue any further.”

Dagdag na pahayag pa ni Kat kay De Lima: “I implore you please, as a survivor, as a rape victim, as a woman and above all else as a fellow Filipina.”

Sa kabila ng madamdaming open letter ni Kat ay hindi pa rin niya direktang pinangalanan kung sino ang “highly popular celebrity” na diumano’y gumawa ng karasahan sa kanya.

Bukod sa open letter ni Kat para kay De Lima, hinihikayat din ng una ang kanyang Facebook friends/followers na suportahan ang isang online petition na naglalayong tulungan ang rape victims gaya niya.

Base sa homepage ng naturang petisyon, binuo ito noong January 18 at mayroong 250 supporters at press time.

"FEARFUL OF FILING." Sa pamamagitan ng palitan ng Facebook messages ngayong gabi, January 22, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung handa ba siyang pormal na magsampa ng kaso laban sa male celebrity na diumano’y gumahasa sa kanya, sakaling pumayag si De Lima na tulungan siya.

Ito ang sagot ni Kat: “I have sought counsel and have been told my legal rights and options.

“At the moment, I have been bashed and been getting threats on my social media accounts so I am still fearful of filing.

“The main goal of my letter is to be able to achieve unbiased justice for all victims.”

ATTY. MALLONGA'S STATEMENT. Ngayong Biyernes ng umaga, January 23, ay nagbigay naman ng maikling pahayag ang legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga, kay PEP contributor Gorgy Rula, kaugnay ng bagong salaysay ni Kat Alano.

Ayon kay Atty. Mallonga, "False accusations of rape do grievous harm to the cause of aiding real victims of the crime. Our system, while imperfect, is rightly designed to also protect the rights of those who have been falsely accused of a crime they did not commit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN