Mahal on ex-boyfriend Jimboy Salazar’s wedding plans with his male lover: “Wala na akong pakialam dun.”

Ayaw magkomento ni Mahal tungkol sa planong pagpapakasal ng dati niyang boyfriend na si Jimboy Salazar sa nobyo nito. Masaya na rin daw ang kanyang lovelife ngayon sa piling ng isang biyudo.


“Ito, maganda pa rin!” natatawang bungad ni Mahal sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, January 23.

Natiyempuhan namin si Mahal sa taping ng Tropa Mo 'Ko Unli ng TV5 sa Rainforest Park, Pasig City.

Una naming tinanong sa kanya ang tungkol sa dati niyang nobyong si Jimboy Salazar, na nag-out na at kasalukuyang may nobyo na rin.

Pero sabi ni Mahal, “Hayaan mo na yun.”

May kutob ba siya noon na bakla si Jimboy?

Natatawa niyang sagot, “Ayokong magsalita!

"Baka mamaya magdala na naman ng warrant of arrest. Padalhan na naman ako."

Kuwento pa niya tungkol sa nabanggit niyang warrant of arrest, “Matagal na yun. Kasi 'pag binanggit natin tungkol sa kanya… ayaw ko na.”

Siniraan niya ba dati si Jimboy?

Sabi ni Mahal, “Hindi naman naninira. Parang naninirang-puri, parang ganun [ang sabi niya].”

“WALA NA AKONG PAKIALAM DUN.” Nitong nakaraang Disyembre, lumabas ang balitang magpapakasal na raw si Jimboy sa kanyang boyfriend na si John Danan sa March 2015.

Read: Jimboy Salazar to marry his boyfriend


Ano ang masasabi ni Mahal dito?

Sagot ng 40-year-old comedienne, “Wala na ako pakialam dun.

“Wala na. Hindi ko na pinakikialaman ang buhay niya.

"Ako, nananahimik na.”

Hindi ba siya naiinggit na masaya ang lovelife ng dati niyang kasintahan?

Tugon nito, “Ba't naman ako maiinggit? Siyempre, meron na akong boyfriend.”

Ano naman ang maaari niyang maging mensahe kay Jimboy?

Sabi ni Mahal, “Manahimik na lang siya.

“Huwag niya akong… banggitin ang pangalan ko at nanahimik na ang aking buhay.

“Tahimik na ako. Yun lang.”


HAPPY LOVELIFE. Nagkuwento naman si Mahal tungkol sa kanyang bagong karelasyon.

Magwa-walong buwan na raw sila ng isang 34-year-old na biyudo.

2004 pa raw niya ito kakilala ngunit nawalan sila ng komunikasyon.

2013, muli raw silang nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng Skype.

Ang pangalan daw ng nobyo niya ngayon ay Jimmy Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita pa nga ni Mahal sa PEP ang kanilang mga larawang sweet na sweet sa isa’t isa. Naka-upload din sa kanyang Facebook account ang mga larawang magkasama sila.

Ayon kay Mahal, matagal nang pumanaw ang asawa ni Jimmy na may isang anak na lalaki, na ang tawag daw sa kanya ay "Ate."

Hindi naman daw talaga sila nagli-live in, pero nag-i-sleepover daw siya sa bahay ng lalaki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN