Ex-sweethearts Elmo Magalona and Lauren Young attend a wedding with their new partners

Nagkita sa kasal nina Saab Magalona at Jim Bacarro ang dating magkasintahang sina Elmo Magalona at Lauren Young, na kasa-kasama naman ang kani-kanilang bagong kasintahan. Si Elmo ay kasama ang girlfriend na si Janine Gutierrez (kaliwa), habang si Lauren ay kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Robbie Gar (kanan).


Isa sa mga sidelights sa katatapos lang na Saab Magalona-Jim Bacarro wedding sa Baguio ay ang pagkikita roon ng ex-sweethearts na sina Elmo Magalona at Lauren Young.

Elmo is one of the ten groomsmen in his Ate Saab’s wedding, habang si Lauren ay isa sa siyam na bridesmaids dahil close friend ito ng bride.

What’s interesting is that pareho nang may kanya-kanyang lovelife ang dating magkasintahan at kasama pa nila sa kasal ang kanilang respective partners.

Elmo was with girlfriend Janine Gutierrez, while Lauren came with her non-showbiz boyfriend Robbie Gar.

In fairness ay civil sila with one another.

Bago nagsimula ang wedding ceremony sa St. Ignatius Chapel sa loob ng PMA compound ay nakita naming nagbeso-beso sina Janine at Lauren sa labas ng simbahan, habang hinahatid ni Elmo ang kanyang girlfriend and More Than Words co-star papasok sa simbahan.

Tinanong pa ni Lauren si Janine ng “Hello, how are you?” habang nagbebeso sila.

SWEET BOYFRIEND. Ang sweet ni Elmo kay Janine at never niya itong iniwan. Dahil mag-isa lang ang Kapuso actress at wala itong kagrupo roon, palaging nasa tabi nito ang young actor.

Nang kunan namin ng group pic ang mga groomsmen sa labas ng simbahan ay missing in action si Elmo dahil busy ito sa pag-aasikaso sa kanyang nobya.

Saglit na natsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang More Than Words stars sa cocktails sa Infinity Garden ng Baguio Country Club bago ang reception dinner, at inusisa namin si Janine kung napaiyak din ba siya sa touching wedding vows nina Saab at Jim.

Read: Saab Magalona weds musician Jim Bacarro in Baguio City

“Oo, naiyak ako. Pero ayokong masyadong umiyak dahil nakakahiya, hindi naman ako bridesmaid!” natatawang sagot ni Janine, who wore a leather jacket over her dress dahil malamig ang panahon sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto rin bang ikasal ni Janine?

“Opo, siyempre. Pero matagal pa!” tawa pa rin ng 25-anyos na Kapuso actress.

Si Elmo kaya ay type ding magpakasal?

“Oo, gusto ko rin naman. Pero siyempre, matagal pa ‘yon,” pakli ng 20-anyos na Kapuso heartthrob.

Most of the wedding guests ay sa Baguio Country Club (BCC) nag-stay dahil doon ang reception, pero si Janine ay sa bahay ng kanyang lolo na si Eddie Gutierrez tumuloy habang nasa Baguio.

Malapit lang sa BCC ang bahay ng kanyang Lolo Eddie. Yaya at driver lang ni Janine ang kasama niya roon.

LAUREN & ROBBIE. Ipinakilala naman sa amin ni Lauren ang boyfriend niyang si Robbie nang makasabay namin sila sa may buffet table doon sa reception sa Gov. Forbes Ballroom ng BCC.

Matangkad ang boyfriend ni Lauren kaya bagay ang mga height nila.

Nang mag-request ang PEP na kunan sila ng picture together ay nakangiting tumanggi si Lauren.

But on her Instagram account ay nag-post ang 21-anyos na Kapuso star ng picture nil ni Robbie na kuha sa wedding.

May isa pa silang Baguio pic na magka-holding hands sila at nilagyan ni Lauren ng caption na “Never letting go.”

Mukhang in love na in love si Lauren sa bago niyang boyfriend.

Sabi niya sa amin ay marunong magluto si Robbie. ‘Bub’ ang term of endearment nila.

Bridesmaid din ang elder sister ni Lauren na si Megan Young na isa sa best friends ng ikinasal na si Saab.

Hindi kasama ni Megan sa Baguio ang rumored boyfriend nitong si Mikael Daez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN