FIRST READ ON PEP. Willie Revillame’s television comeback not yet a done deal

Ipinagdiwang ni Willie Revillame ang kanyang ika-54 kaarawan kasama ang ilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz at pulitika kagabi, January 27, sa rooftop ng Wil Tower Mall sa Quezon City. Sinabi ng TV host na hindi pa done deal ang nakatakda niyang pagbabalik sa telebisyon, pero mayroon daw pag-uusap na nangyayari.


Ipinagdiwang ni Willie Revillame ang kanyang ika-54 kaarawan kagabi, January 27, sa rooftop ng Wil Tower Mall, sa Quezon City.

Simple celebration lang ito kasama ang mga malalapit na kaibigan niya sa mundo ng showbiz at pulitika.

May band set-up kung saan nag-perform ang ilang kaibigang singers ni Willie; kabilang sina Jay-R, Luke Mejares, Nina, Aegis, Andrew E., Sabado Boys, at Zsa Zsa Padilla.

Pasado alas-diyes ng gabi nang dumating ang TV host sa venue, kung saan isa-isa nitong inikot ang lahat ng tables para makipagkamay sa mga dumalo sa kanyang party.

Ilan sa mga namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagdiriwang ay sina former Senator Manny Villar, John Estrada at asawang si Priscilla Meirelles, Albert Martinez, Bobot Mortiz, Ricky Davao, Malou Choa-Fagar, at mga dating kasamahan ni Willie sa shows niya sa TV5.

Bago pa magsimula ang programa ay kumanta muna si Willie ng kanyang hit songs na “Ikaw Na Nga,” “I Love You,” at “Para Sa ‘Yo.”


WILLIE AT 54. Ayon kay Willie, maaga pa lang ay personal na niyang inasikaso ang venue para sa kanyang party.

Gusto raw niyang espesyal ang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Ito raw ay nakalaan para sa mga kaibigang nandiyan sa tabi niya at hindi nang-iwan sa kanya.

Saad niya sa panayam ng PEP, Startalk, at YES, “Yeah, alam mo naman sa industriyang ito, nagmamahalan naman talaga.

"May mga konting problema, naaayos naman lahat, e.

"Ang importante dito… it’s not about me, e.

“Birthday ko, pero ako yung gustong magregalo.”

Ano nga ba ang wish niya para sa kanyang kaarawan?

Ani Willie, “Happiness.

"Happiness... hindi ako, happiness sa mga Pilipinong nakakaramdam ng kalungkutan.

“Happiness ng bawat Pilipino sa buong mundo, especially ang ating mga OFWs [Overseas Filipino Workers].

"Isipin mo, nagtatrabaho sa ibang bansa, iniiwan yung pamilya para lang kumita, para lang mabigyan ng magandang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happiness sa buong mundo, sana mawala na yung giyera. Totoo.”


A BIG COMEBACK? Isa marahil sa malaking tanong sa kanya ng mga tao ay ang tungkol sa napapabalitang pagbabalik niya sa telebisyon.

Bago pa magtapos ang taong 2014, lumutang ang tungkol sa diumano’y pagtulong ng mga kaibigan niyang sina Joey de Leon at Mike Enriquez na mabigyan siya ng game show sa GMA Network.

Read: Joey de Leon reveals negotiating for Willie Revillame's game show to be aired on GMA

Tuloy na nga ba ang comeback niya sa TV?

Sagot ni Willie, “Sana nga. Sana.

"But anyway, in God’s time, in God’s will, lahat ng ito, maaayos lahat.”

Ano ang naramdaman niya na gusto nina Joey at Mike na magkaroon na siya ng show sa GMA?

“Salamat, sobrang salamat.

"Ang importante naman, siyempre management ng GMA—Mr. [Felipe] Gozon, Mr. [Gilberto] Duavit, Mr. [Menardo] Jimenez, Mr. [Felipe] Yalung, at yung mga namumuno ng GMA, sila naman, e.

“At ang importante, yung mga tao. Yun talaga ang gustong magkaprograma ka.

"Lalo na nami-miss mo yung mga lola, mga lolo, mga nanay, especially yung mga tao.

“Hopefully, sana maayos na.

"Kasi gusto ko ‘pag makabalik, talagang paglalaanan ko ng oras yung pagbibigay ng saya talaga.

“Saka yung hope. Yung hope talaga sa mga tao, nakaka-miss yung mga tao.

"Yung studio, 'andiyan lang ‘yan, e. Yung mikropono, 'andiyan lang ‘yan.

"Pero ang pinakaimportante is yung publiko, e, yung mga tao."


DONE DEAL? Bakit nga ba natatagalan ang pagbabalik niya sa telebisyon?

Huling napanood si Willie sa TV5 noontime show na Wil Time Bigtime noong October 12, 2013.

Ito ang kanyang pangatlong show sa Kapatid network matapos ang Willing Willie at WowoWillie.

Paliwanag niya, “Marami din akong inasikaso, nagpagawa din ako ng hotel sa Tagaytay, it’s a 5-star hotel.

“Hindi naman yung… alam mo, ita-timing mo lahat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto pa ba ng taong bumalik? Lahat pakiramdaman mo lahat ‘yan, e.

"‘Pag pumunta ka sa isang lugar, andun pa rin yung mga pamilya, nagsasabing, ‘Nami-miss ka na namin.’

“Para sabihing 'nami-miss ka na namin,' I think malaking bagay yun.”

Ngayong 2015, may aabangan na ba talaga sa kanya ang mga tao? Done deal na ba ang usapan?

Tugon ni Willie, “Hindi pa done deal.

"Maganda yung talagang siguradung-sigurado na.

"Mahirap, e, lahat ng bagay pinag-uusapan, tinatama.

“Kung may mga dati kang pagkakamali, dapat ayusin.

"Yung time na one year… kasi October… one year and three months na akong wala, so inaano mo, e.

“‘Ano ba ang naging pagkakamali ko, bakit ganito?'

"Dapat ayusin mo lahat, e.

“So, I think, maraming bagay ang… yung pagdating ni Pope [Francis], marami kang natutunan, be humble.

"Sometimes wala kang pamilya na kasama mo sa buhay mo, so nag-iisa ka lang, walang nag-a-advice sa 'yo, kung sinu-sinong tao…

"Mare-realize mo na, ‘Ito pala ang tamang gawin.’

“So, you’ll learn from your mistakes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN