Glydel Mercado tired of pursuing complaint against fake Maynilad employees

Glydel Mercado on her complaints against fake Maynilad employees: "April [2012] pa nagsimula yun, postpone nang postpone. Ganun pala yun, parang… ang bagal! Laging wala si ganito. So, ngayon, tinamad na ako."


Nagbigay ng update si Glydel Mercado sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa diumano’y pekeng employees ng Maynilad na nagtangkang mangikil ng pera sa kanya noong 2014 dahil sa tampered water meter.

Read: Glydel Mercado warns public about fake Maynilad employees

Lahad ng aktres, “Well, actually, e… kasi alam mo yung tinamad na akong puntahan!

“’Tsaka ganito, April [2012] pa nagsimula yun, postpone nang postpone.

“Ganun pala yun, parang… ang bagal! Laging wala si ganito.

“So, ngayon, tinamad na ako.

“Mga three months na akong binibigyan ng subpoena, kasi, ‘di ba, ang dami kong idinemanda?

“Yung apat na Maynilad na fake employees, na naging employee ng Maynilad, ‘tapos yung pinsan ko nga, ‘di ba?

“Yung sa pinsan ko, tinatamad na rin akong puntahan, kasi parang humingi na naman siya ng tawad sa akin.”

May kinalaman din daw ang pinsan ni Glydel sa isyu.

“Yeah! Aminado naman siya, e, umamin siya sa akin.

“Grabe! As in for three and a half years.”

Patuloy niya, “Anyway, yung Maynilad naman, e, ‘di ba, yung isa lang yung nahuli, yung tatlo at large.

“Since hindi naman nagsisipunta yun, at least meron silang kaso na naka-pending, kasi nasa fiscal na.

“Ayun, hindi ko na rin napupuntahan. Pero nagpapadala naman sa akin ng update.

“Pero laging postponed talaga, ang tagal. Hassle talaga.

“Nakapunta ako twice, e, arraignment ‘tsaka yung pre-trial, ang daming galing probinsiya pa, alam niyo yun?

“Yung namamasahe ‘tapos biglang postponed, babalik na naman sila.

“Minsan walang pamasahe pabalik, nakakaawa.”

Nakipag-usap daw siya mismo sa Maynilad.

Lahad ni Glydel, “Nagpunta ako dun sa main, nakausap ko yung legal counsel nila, willing naman sila na tumulong.

“Pero that time, wala pa silang lawyer, so nag-hire daw sila nung October.

“E, alam naman nilang may pinayl [filed] akong kaso, so dapat kahit papaano… dahil yung Maynilad, inaangat ko rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa kanila, parang ang bagal din.

“Wala silang folow-up man lang sa akin, kailangan ako pa yung tumawag.

“Alam naman nilang may kaso, e, dati nilang employee.”

Nakausap ng PEP si Glydel noong Lunes, January 26, sa taping ng GMA drama series na Ang Lihim Ni Annasandra, sa Montalban, Rizal.


DUPED BY HER COUSIN. Kasabwat daw ang pinsan niya ng mga pekeng Maynilad employees.

“Dati nilang kaano… under-the-table lang niya ibinibigay yung mga ibinibigay ko sa kanyang pambayad.

“Ang gagawin niya, hindi puputulan, may ikinakabit na something na red para ma-tamper, kaya para… magbibigay siya ng five hundred.

“May utang pa yata siyang one five [1,500 pesos], kasi parang may usapan silang... nagsumbong sa akin yung mga staff.

“Nag-add up yung ano ko… so ang binayaran ko lahat-lahat, pero lahat yun, ibinigay ko sa kanya.

“Sa Meralco, sixty thousand plus. Sa tubig, mga twenty thousand.

“Samantalang lahat yun, bayad yun.”

Niloko rin daw siya ng pinsan niyang ito sa kanyang mga negosyo.

Magkano ang nakuha nito sa kanya?

“Hindi ko alam!

“For three and a half years, wala siyang ni-remit sa akin sa dalawang business ko.

“’Tapos bukod pa dun, yung mga hiningi niya sa aking mga kung anu-ano lang, kaya naman palang bayaran nung salon.”

Nasa milyon daw ang nakuha ng pinsan ni Glydel na pinagkatiwalaan niyang magpatakbo ng kanyang salon at eatery.

“Three and a half years ‘tapos dalawang business, e.

“‘Tapos puro ako abono, yun pala, kaya pala.”

Sobra raw siyang nagtiwala sa pinsan niya kaya hindi niya nao-audit ang kinikita ng mga negosyo niya.

“Dalaga pa lang ako, kasama ko na siya, sa That’s [Entertainment] pa lang, e. Ganun ako katiwala.”

Nakulong daw ang pinsan niya.

“Pero nag-bail after mga… kasi Holy Week nun, e, nakulong siya siguro mga three weeks siya dun.”

Napatawad na ba ni Glydel ang pinsan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, siyempre napatawad ko na, pero parang alam mo yun, hanggang dun na lang.

“Yung parang… hindi ko na nga siya binati nung birthday niya, parang wala na.

“Kasi parang, yung sobrang trust ko sa kanya, ‘tapos pinagkatiwalaan ko pa siya kaysa sa nanay ko, yung parang ganun.”

Lulong daw sa casino ang naturang pinsan niya.

“Hindi ko alam, all this time, ang tanga-tanga ko!

“Walang nakakaalam na nagka-casino siya. Hindi ko alam.

“Kasi dun siya nakatira sa salon, para libre lahat.”

Bukas pa raw ang salon ni Glydel hanggang ngayon.

“Okay naman na siya, so far, hindi na ako nag-aabono.

“Sabi ko, puwede pala yun. Sabi ko, ang tanga-tanga ko, hindi ako nag-o-audit.

“Kasi talagang sobrang pinagkatiwalaan ko, sobra talaga.”

Ngayon daw, every two weeks ay nag-o-audit na siya at mayroon na siyang listahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN