Jake Vargas admits facing relationship problems with girlfriend Bea Binene

Tila nauulit na naman ang problema sa pagitan ng magkasintahang Jake Vargas at Bea Binene dahil sa barkada ng young actor. Pagtatapat ni Jake, "Nagagalit siya sa barkada, sa akin. Barkada raw, BI [bad influence]. Hindi pa naman niya nakikilala."


Inamin ni Jake Vargas na may pinagdadaanan sila ngayon ng kasintahang si Bea Binene, kasunod ng usap-usapang break na raw sila.

Wala mang direktang pagkumpirma sa balitang hiwalayan, hindi itinanggi ng Kapuso young actor na may inaayos sila sa kanilang relasyon.

Pahayag ni Jake, “Parang nakukulangan siya.

“Hindi ko alam… siguro sa time, sa bonding naming dalawa.

“Siguro may hinahanap siyang worth niya. Siguro gusto niyang ma-feel yung worth niya.”

Hindi ba niya naibibigay kay Bea ang worth nito?

Tugon ng 22-year-old Kapuso actor, “Hindi ko alam, e.

“Pinaparating ko naman sa kanya na maging okey kami.

“Sinusubukan ko lahat. Lahat ginagawa ko na maging okey kami.”

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake pagkatapos ng presscon proper ng lalabas nilang pelikula ni Bea, ang Liwanag Sa Dilim, na ginanap sa Max’s restaurant sa Roces Avenue, Quezon City, Miyerkules ng hapon, January 28.

TRYING HIS BEST. Nahihirapan ba siya sa pagkakataong ito na suyuin muli si Bea?

Sa dami ng pinagdaanan at galit-bati nila, masasabi bang wala pa rin itong ipinagkaiba sa mga nauna nilang problema?

Saad ni Jake, “Siguro masasabi ko, ganun pa rin.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Maging matured naman tayo sa relationship na hindi puro away.’

“Ano lang, level lang.”

Laging lumalabas na si Jake ang puno’t dulo ng tampuhan nilang dalawa. Marami na raw kasing pagtitiis at pang-unawang ibinigay si Bea sa kanya.

Pag-amin ni Jake, "Totoo yun… marami na siyang pagtitiis."

Ano ba ang dapat maintindihan ni Bea sa kanya?

“Kasi ako, bilang lalaki… ako lang naman yung…

“Kasi, ayoko rin naman yung may problemang dumarating sa akin. Ayoko rin naman na may kaaway ako.

“Tina-try ko rin naman yung best ko para maging okey kami.”

Sinabi ni Jake na oras ang pagkukulang niya kay Bea. Ito ba ay dahil sa barkada?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Oo, inaamin ko, sa barkada rin.

“Nagagalit siya sa barkada, sa akin.

“Barkada raw, BI [bad influence]. Hindi pa naman niya nakikilala.

“Sabi ko, ‘Huwag ka munang magsalita, manghusga agad.

“’Kasi sila… wala naman akong pakialam sa kanila, e. Ikaw naman yung priority ko.’ Yun ang sinabi ko sa kanya.

“Ayaw niya doon sa barkada ko.”

Ano naman ang nararamdaman ni Jake sa sinabi ni Bea na career at family ang priority nito, at hindi siya?

Read: Bea Binene gives indirect answers about rumored breakup with Jake Vargas

“Sabi niya?” pangungumpirmang tanong ni Jake. “A, hindi ko alam…”

Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabing, “Masakit para sa akin na ganun. Pero okey lang.”


THE LOVETEAM. Paano nila ipu-promote ang kanilang tambalan sa Liwanag Sa Dilim gayong may tampuhan pala sila?

Sabi ni Jake, “Ako naman, working talaga.

“Ano yung talagang magpapa-okey sa akin, gagawin ko na lang.

“Ano lang, maging okey lang kami.”

Nag-aalala ba siya na baka maapektuhan ang kanyang career kapag nawala ang loveteam nila ni Bea?

“Uhm… siguro sa mga tao.

“Pero ako, kahit naman… hindi naman nababase sa loveteam ‘yan, e.

“Yung sarili namin, kami mismo.

“Hindi naman ako magwu-worry.”

Kampante siyang hindi maaapektuhan ang kanyang career dahil may sarili siyang following?

“Hindi naman.

“Kasi kami ni Bea, nagsimula sa loveteam.

"Mahirap din naman kasing iwan yung loveteam. Diyan kami minahal ng tao.

“Kung hindi namin ito aalagaan, mawawala ito.”

Posible bang magpahinga muna sila ni Bea sa isa’t isa para maiwasan ang problema sa relasyon nila?

“Oo naman. Para sa akin, bata pa rin kasi si Bea sa ganung relasyon.

“Hihintayin ko na lang na kung kami para sa isa’t isa, kami.”

Hindi niya ba kayang mag-commit sa terms ni Bea para lang maging maayos ang relasyon nila?

Ayon kay Jake, “Kaya ko namang gawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron lang talagang tao na hindi ako maintindihan kaya siguro naapektuhan din yung isip ko na parang, ‘Bakit ganito?’

“Wala naman akong ginagawa, bakit nagkakaroon ako ng problema sa kanya. Yung mga ganun, e.”

Willing ba siyang i-let go si Bea kung ayaw na nito talagang makipagbalikan sa kanya?

“Depende sa kanya. Kasi ako naman, tina-try ko yung best ko para lang maging okey kami.”

Mahal pa rin ba niya si Bea?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN