Diva Montelaba giving herself until next year to decide if she will join Binibining Pilipinas or not

Kapuso actress Diva Montelaba explains her hesitation about joining Binibining Pilipinas: "You can’t really work if you are an official candidate. And alam naman ng lahat na I’m a breadwinner, I’m really providing for the family. And I don’t wanna stop that para sa pansariling kagustuhan ko to join a beauty pageant."


“I consider next year as my last chance,” sabi ni Diva Montelaba nang matanong kung itutuloy pa ba niya ang planong sumabak sa Binibining Pilipinas.

Ayon sa 24-year-old Kapuso actress, mayroon na lamang siyang dalawang taon bago lumampas sa age-limit requirement ng nasabing local beauty pageant.

Ayaw naman daw niyang sagarin ang age limit kaya binibigyan ng StarStruck alumna ang sarili ng hanggang susunod na taon para makapagdesisyon kung sasali ba siya o hindi.

Paliwanag ni Diva, “Kasi 'pag 26 na ako, siyempre parang ayoko naman isagad.

“Right now, as time goes by, medyo napu-push ko na ang sarili ko in engaging into that field, which is beauty pageant.

“Kung ako lang, why not?

“I’d really want to, but there are a lot of considerations."

Dagdag pa niya, "I need to consider... like si Winwyn [Marquez], hindi siya nakakapag- [Sunday] All Stars kasi she’s an official candidate [this year].

“Ibig sabihin, you can’t really work if you are an official candidate.

"And alam naman ng lahat na I’m a breadwinner, I’m really providing for the family.

“And I don’t wanna stop that para sa pansariling kagustuhan ko to join a beauty pageant.

“So, right now, I have one more year na lang.

"I might try to save muna, work very hard.

"And then, 'pag dumating yung time na nag-offer na sa akin, mag-o-open na talaga ang doors sa akin to join sa pageant, I’ll go.

“Kumbaga, I really wanna be 100 percent ready.

"Kasi financially, physically, I’m not rally that confident with my body.

"So, kumbaga, kung ready na ako, why not talaga? I’d love to.

"So next year, sana mai-push ko na talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diva sa birthday charity niya at ng iba pang GMA Artist Center talents sa Child Haus Center, sa V. Luna, Quezon City, nitong Huwebes, January 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SUPPORTIVE OF WINWYN. Lubos naman ang tuwa at suporta ni Diva sa pagpasok ng kaibigan at kapwa GMA artist na si Winwyn bilang official candidate ng Binibining Pilipinas 2015.

Read: Winwyn Marquez makes it to the official candidates of Binibining Pilipinas 2015

Sabi ni Diva, “Kinilabutan ako, promise, kasi nalaman ko nung nag-post siya ng photo sa Instagram na parang… 'tapos yung hashtag, #Binibining Pilipinas.

“Na-shock ako, at the same time, I was really happy.

"Kasi, if anything, siya yung pinaka-perfect candidate for beauty pageant ‘coz she’s got it all—the body, the height, the color, the beauty, she’s smart.

"So, I was really happy and I’m glad.

“I don’t wanna join na rin on the same year kay Winwyn kasi if anything, I wanna support her muna.

"Kasi puwede namang friendly competition, pero iba pa rin yung I just really wanna watch her.

"Kami na friends niya, gusto naming i-support muna namin siya.

“And then, next time, 'pag ako naman na, then sila naman su-support sa akin.

“I think she’s more ready than me na, and just give it to her.

"And sobra excited ako for her. I’ve seen her pictures, my gosh!”

Matagal na raw niyang alam na may plano si Winwyn na sumali sa Binibining Pilipinas, subalit hindi raw sinasabi ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez kung kailan siya sasali.

Ayon kay Diva, “Alam ko namang may plan siya matagal na, a year ago or even more.

"Pero alam ko, hindi na itutuloy, kasi she’s studying with her second course, so medyo busy siya.

“Ngayon, I’m really happy na nabigyan niya ng time at nai-push niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN