Regine Velasquez on having another baby: "If God wills it, it will happen."

Regine Velasquez on her baby-making plans with husband Ogie Alcasid: "We still want another baby. But like I always say, if God grants us another baby, we’ll be happy. Kung hindi, we’re very blessed [as it is]."


Inamin ni Regine Velasquez, 44, na gusto nila ng asawang si Ogie Alcasid, 47, na masundan pa ang three-year-old son nilang si Nate.

Ngunit nilinaw ng Asia’s Songbird na hindi rin naman sila yung tipong atat na magka-baby ulit.

“We really want another baby. And we’re trying naman.

“Kaya lang kasi matanda na kami, hindi na kami bagets.

“E, yun ngang bagets, may mga couples na hirap mag-conceive, kami pa?”

Ayon pa sa singer-actress, kusa lang nangyari noong ipinagbuntis niya si Nate, at hindi na kinailangang sumailalim pa siya sa kung anumang medical procedure.

“Kaya sa amin talaga, super blessing si Nate.

“We didn’t have to go through anything.

“Nag-sex lang kami! Mga intensity seven yun, ‘te, around Quezon City!

“[This time around] wait lang, mas older kami ngayon!” may halong biro na turan ni Regine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Regine sa presscon na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, Biyernes ng tanghali, January 30.

Ang naturang presscon ay para sa Ultimate Valentine concert nila Regine, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Masalucha, na gaganapin sa MOA Arena sa February 13 at 14.


OGIE’S PREGGY JOKE. Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media na nagdadalang-tao si Regine matapos niyang mag-post sa Instagram ng random photo ng isang preggy mom kasama ang asawa nito at first-born daughter nila.

Habang si Ogie ay napabalitang nag-post ng Facebook status na nagsasabing: “My dear friend, I’m the one who’s pregnant.”

Read: Ogie Alcasid scolded by wife Regine Velasquez over pregnancy issue

Paliwanag ni Regine ukol dito: “Kasi parang may pinuntahan siyang [web] site which led to another one. It was like a [multiple choice] game.

“Nag-ask ng question, ‘Anong status mo?’ Ang pinili niyang answer, ‘I’m pregnant.'

“Nagkataon naman na hindi niya alam na nag-post ako ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinagalitan ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Ano ka ba!’

"E, wala lang, joke lang yun. Napagtawanan lang namin."

Marami sa fans ni Regine ang umaasang buntis ulit ang singer-actress, lalo pa’t nakikita nilang maganda ang pagpapalaki nito kay Nate.

Pahayag niya tungkol dito, “Siyempre it would be nice na meron siyang kalaro kasi mag-isa lang siya.

“Pero hindi ako magde-decide nun, si God.

"Siya yung nagbibigay nun, e. Hindi naman yun tayo, e.

"So, kung type pa Niya, ibig sabihin, kaya pa namin, then go.

“If He wills it, it will happen.

"Pero kung hindi, we're very blessed [as it is]."


HAPPY MEMORIES OF HER FIRST PREGBNANCY. Sa kabilang banda, masayang nagbalik-tanaw si Regine tungkol sa mga karanasan niya noong panahong ipinagbubuntis niya si Nate.

“I had a great time being pregnant... I don’t know why.

“I looked like a freaking house, I looked like a cow, but I loved every moment of it!”

Naikuwento rin ni Regine na todo ang pag-aalagang ginawa sa kanya ni Ogie noong first trimester ng pagbubuntis niya.

“My obstetrician made me rest for the first trimester. I was bedridden for a month and a half.

"'Tapos ang cute ng asawa ko. Hindi rin siya tumanggap ng work. Binantayan lang niya ako for a month and a half.

“After that, he started accepting work na, kasi siyempre baka wala na kaming pambayad kuryente sa bahay!” nagbibirong saad ni Regine.

Kung anu’t ano pa man, kumpiyansa si Regine na walang problema sa kanya kung sakaling mabuntis siya ulit, lalo pa’t katuwang niya si Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN