TV5 talent Shaira Mae on boyfriend Edgar Allan Guzman’s transfer to ABS-CBN: “Kung saan siya masaya, support lang ako.”

Magdadalawang taon na ang relasyon nina Shaira Mae at Edgar Allan Guzman at going strong daw ang kanilang samahan. Kaya naman daw suportado ni Shaira ang paglipat ng nobyo sa ABS-CBN mula sa TV5.


Magda-dalawang taon na ang relasyon nina Shaira Mae at Edgar Allan Guzman.

Magkasama dati ang dalawa sa TV5 show na Tropa Mo 'Ko Unli, pero ngayong buwan ng Enero ay lumipat na si Edgar sa ABS-CBN.

Read: Edgar Allan Guzman starting from scratch after moving to ABS-CBN



Paano ba nagpaalam ang nobyo sa kanya na lilipat na ito ng istasyon?

Saad ni Shaira, “Nag-usap kami.

"Alam ko naman din kung ano… kung saan siya masaya, yun, support lang ako.

"Support lang ako kung san siya masaya and alam ko namang happy siya dun."

Ano ang nami-miss niya kay Edgar?

Sabi ng Kapatid star, “Yun, yung katrabaho ko siya.

"Siyempre dun lang naman kami nagkakatrabaho sa Tropa.

"Yung sabay naming pagpunta dun sa set, mga hintayan.”

Isa sa mga unang proyekto ni Edgar nang lumipat siya sa Kapamilya network ay ang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan gumanap siya bilang isang transgender.

Super proud daw si Shaira Mae sa performance ng kanyang boyfriend.

“Ay, bravo! Ako, kunyari hindi kami, idol ko siya.

"Sobrang, husay niya, ang galing-galing niya.

"Sobrang happy ako sa kanya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira Mae sa pocket presscon ng Wattpad episode nila ni Mark Neumann na I’m In Love with a Dota Player, Biyernes ng hapon, January 30, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.


“MAY TIWALA AKO SA KANYA.” Hindi ba natatakot si Shaira Mae na baka may ibang mapusuan si Edgar sa bakuran ng ABS-CBN?

Natatawang sagot ng dalaga, “May tiwala naman ako sa kanya.

"'Tsaka, ayun lang, trabaho, trabaho.

"Alam din naman niya yun sa sarili niya."

Siya ba ang tipo ng selosang girlfriend?

Sagot ni Shaira Mae, “Selosa naman din, 'pag kailangan na talagang ano… yung nakakaselos na talaga.

"Pero, nasa lugar naman siyempre."

Labing-siyam na taong gulang si Shaira Mae, samantalang 26 years old na si Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos anim na taon ang age gap nila. Hindi ba ito naging problema sa set-up nila?

Tugon ng young actress, “A, hindi naman. Magkasundo naman kami sa lahat ng bagay.”

Nakilala na raw nila pareho ang kani-kanilang pamilya.


I’M IN LOVE WITH A DOTA PLAYER. Sa Lunes, February 2, ganap na ika-9 ng gabi, mapapanood na sa TV5 ang Wattpad episode nina Shaira at Mark na I’m In Love With A Dota Player.

(Photo by Arniel C. Serato)

Tungkol ito sa magkarelasyong nagkaroon ng problema dahil sa larong Dota.

Gagampanan ni Shaira ang papel ni Tin, isang simpleng estudyante na mai-in love sa character ni Mark na si Miggy, isang champion Dota player.

Ito na ang pangatlong pagtatambal ng #ShaRk loveteam matapos ang matagumpay na dalawang installment ng Mr. Popular Meets Miss Nobody noong 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN