Kris Aquino reveals her thoughts on hate messages against PNoy and their family

Part of Kris Aquino’s Instagram post last night, January 30: "I taught myself that it’s not about me, that my pain is minuscule in comparison to the widows, mothers, fathers & brothers I spent quiet, private time with last night, when not one of them spoke to me harshly or blamed me in the way I had to endure from those who have the ability to post but not the will to do actual good..."


Kasabay ng pagluluksa ng sambayanang Pilipino para sa 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ay ang patuloy na pagbatikos ng marami sa ating kababayan kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ito ay dahil sa kakulangan diumano ng simpatiya ni PNoy sa mga nasawing alagad ng batas at ang kanilang naiwanang pamilya.

Sa halip na sumalubong sa mga labi ng Fallen 44 sa Villamor Air Base noong Huwebes, January 29, ay sa pagbubukas ng bagong planta ng kotse sa Laguna nagpunta ang Pangulo.

Bagamat dumalo si PNoy sa necrological service para sa mga nasawing miyembro ng PNP-SAF sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kahapon, January 30, binatikos naman ng marami ang mensahe nito sa kanyang eulogy.

Ito ay dahil sumentro raw ang mensahe ni PNoy sa kanyang nito at ang pagkamatay ng amang si dating Senator Ninoy Aquino—na ngayon ay isa nang bayani ng bansa—sa halip na bigyang-pugay ang Fallen 44 na napatay sa engkuwentro nila laban sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Kahapon ay idineklara ng Malacañang na Day of National Mourning para sa mga nasawing PNP-SAF members, at isa sa mga nakiramay sa kanilang mga naulila ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Madaling-araw ng January 30 ay nagtungo si Kris sa Camp Bagong Diwa kung saan nakaburol ang mga labi ng mga nasawing alagad ng batas.

Read: Kris Aquino visits wake of slain PNP-SAF members

Bilang kapatid, hindi naikubli ni Kris ang nararamdaman sa mga pagbatikos at pagpapahayag ng galit laban sa kanyang Kuya Noynoy.

Kagabi ay ni-repost ni Kris sa kanyang Instagram account (beingkrisaquino) ang larawan nila ng international singer na si Michael Buble, na naging guest nila ni Boy Abunda sa Aquino and Abunda Tonight.

May caption ang post ni Michael ng: “Hey Manila!!! Thrilled to be back in the Philippines and thanks to @aatofficial and @beingkrisquino for the incredibly warm welcome. #homeawayfromhome #selamat #crushonkris #MBworldtour.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa caption naman ni Kris sa ni-repost niyang larawan ay inilabas nito ang kanyang saloobin sa mga batikos na tinatanggap ngayon ni PNoy at ng kanilang pamilya.

Pahayag ng TV host-actress, “On a day when I just had to stay strong & accept with steadfast courage all the anger, on a day when I felt how hard it was to practice quiet dignity, on a day I taught myself that it's not about me, that my pain is minuscule in comparison to the widows, mothers, fathers & brothers I spent quiet, private time with last night, when not one of them spoke to me harshly or blamed me in the way I had to endure from those who have the ability to post but not the will to do actual good, when in actuality from those most hurting I received sincere appreciation even when I was so prepared for hatred, I went to work & did my job w/ self respect and grace.

“Sa lahat sa inyong pinaramdam sa kin ang inyong pagmamahal at respeto, I shall hold in my heart those posts.”

At saka nito tinapos ang caption sa Instagram post niya ng mga hashtags na “humbled, strong, faithful.”

On a day when I just had to stay strong & accept with steadfast courage all the anger, on a day when I felt how hard it was to practice quiet dignity, on a day I taught myself that it's not about me, that my pain is minuscule in comparison to the widows, mothers, fathers & brothers I spent quiet, private time with last night, when not one of them spoke to me harshly or blamed me in the way I had to endure from those who have the ability to post but not the will to do actual good, when in actuality from those most hurting I received sincere appreciation even when I was so prepared for hatred, I went to work & did my job w/ self respect and grace. Sa lahat sa inyong pinaramdam sa kin ang inyong pagmamahal at respeto, I shall hold in my heart those posts. To my guardian angel, thank you. 😇 #humbled #strong #faithful

A photo posted by Kris Aquino (@beingkrisaquino) onJan 30, 2015 at 8:13am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN