Sharon Cuneta denies Napoles movie; confirms network transfer

Sharon Cuneta hints about her comeback project and network transfer: “I already have a comeback project waiting, and with a company that has my full trust and respect. And I already have a fabulous network to work for after TV5, which I have known I was moving to since August."


Mariing pinabulaanan ni Sharon Cuneta ang kumalat na balitang siya ang napiling gumanap sa pelikulang tatalakay sa buhay ni Janet-Lim Napoles, ang itinuturing na pork barrel scam mastermind.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, January 31, binigyang-linaw ng Megastar ang patuloy na espekulasyon tungkol sa kanyang comeback project sa pelikula.

Kasabay nito ay kinumpirma ni Sharon na tuloy ang paglipat niya sa isang TV network, matapos niyang kumalas sa pinirmahang limang taong exclusive contract sa TV5 noong August 2014.

Sa eulogy ni Sharon sa isinagawang necrological service para sa yumao niyang ina na si Elaine Cuneta noong November 2014, pahapyaw na nabanggit ng Megastar ang tungkol sa kanyang pagbabalik-trabaho sa isang lugar kung saan maraming nagmamahal sa kanya.

Read: Sharon Cuneta says she will resume work in "a place where I am loved."

Mula noon ay naging maugong ang usap-usapang nakatakda siyang bumalik sa ABS-CBN, na nagsilbing home network ng Megastar sa loob ng 23 taon.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling tikom ang bibig ni Sharon tungkol sa lilipatan niyang TV network.

Narito ang kabuuang pahayag ni Sharon sa kanyang Facebook account ngayong araw:

“Why is there a rumor going around that my comeback movie will be based on the Janet Lim Napoles story, and with KC playing the role of her daughter?

“No one has spoken to me about this, and so it is totally untrue.

“I already have a comeback project waiting, and with a company that has my full trust and respect.

“And I already have a fabulous network to work for after TV5, which I have known I was moving to since August.

“I hope this answers some of your questions!:-) God bless you and have a wonderful day! Lots of love to you all.”

Huling napanood si Sharon sa musical variety show ng TV5, ang The Mega and The Songwriter, na nagtapos noong January 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman marami sa masugid na fans ng Megastar ang natuwa sa kanyang napipintong pagbabalik-showbiz.

Lalo pa't kapansin-pansing todo ang paghahanda ni Sharon para sa kanyang comeback project.

Patunay nito ay ang determinasyon niyang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng kanyang “doctor-supervised diet.”

LOOK: Sharon Cuneta celebrates birthday with close friends.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN