Lovi Poe sure her boyfriend Rocco Nacino will not propose yet

Lovi Poe is wishing the best for Heart Evangelista and although she has her opinion about her friend walking down the bridal aisle without her parents, she’d rather keep it to herself: “As her friend, siyempre yun ang pinaka-wish ko... pero siguro… ayokong magsalita.”


Wala pa raw naiisip na malaking selebrasyon si Lovi Poe para sa 26th birthday niya sa February 11, Miyerkules.

Sabi niya, “Sa birthday ko, simpleng dinner lang with family and friends.

"Close to the wedding of Heart yun, so there’s not much preparation.

“Pero sa February 11 pala, hindi ko sure kung ilalabas ang music video na ginawa namin ng friend ko.”

Sa February 14 naman daw siya pupunta ng Balesin, sa mismong kaarawan naman ng kaibigan niyang si Heart Evangelista.

Sa Balesin gaganapin ang kasal nina Heart at Senator Francis "Chiz" Escudero kinabukasan, February 15.


BEST FRIENDS. Natatawang sumagot ng “Hindi!” si Lovi nang tanungin kung kasama niya ang boyfriend na si Rocco Nacino pagpunta sa Balesin.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Uunahin namin yung date namin kasi, the day after tomorrow, pupunta kami ng Baguio.

"Parang advance na ang celebration namin—birthday and Valentine’s day.”

Mag-iisang taon na ang relasyon nila ni Rocco, kumusta naman sila?

Saad ni Lovi, “Very fun, very light. We support each other.

"We never had a big, big fight, yet. Wala pa kaming ganun.

"Kasi when we argue, it takes five, ten minutes, tapos na.

"Bati na kami, kasi para kaming mag-best friend, magkabarkada.

"We have our separate lives. Ako, hindi ako lumalabas with him, walang paalamanan kung gigimik.

"Wala kaming ganun, e. Wala kaming, ganitong oras ka uuwi.

“There are times na malalaman niya lang, okey lang.

"Walang pressure sa aming dalawa.

"Parang separate talaga kami, may sarili kaming life.”

Ibang-iba ba ang relasyon nila ngayon ni Rocco sa mga nakaraan niyang nakarelasyon?

“I cannot compare kasi masasabi kong may relationship din ako before na hinahayaan ako.

"I’ve been in a relationship na ayaw talaga, like bawal akong mag-takong.

"Pero dati pa yun, batang-bata pa 'ko."

Si Rocco, hindi seloso?

“Wala lang, pa-cute-cute lang,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi kahapon, February 3, para sa kanyang solo presscon kaugnay ng Magpakailanman episode niyang "Apoy Ng Pangarap."

Ipalalabas ang naturang episode sa Sabado, February 7.


SELF-FULFILLMENT. Bilang ikakasal na si Heart at isa siya sa bridesmaids nito, may inggit ba siyang nararamdaman?

“Hindi naman, pero naman kasi, she’s thirty na,” sabi ni Lovi.

Siya naman daw ay magtu-twenty-six pa lang ngayong kaarawan niya.

Paano kung mag-propose si Rocco habang nasa Baguio sila?

Natatawang sabi niya, “Hindi, walang ganun, sure ako!

“And we have priorities.

"Like ako, to be fully committed to someone, you have to be able to achieve self-fulfillment talaga."

Marami pa raw siyang dapat malaman at madiskubre tungkol kay Rocco bago niya masabing husband-material nga ito.

“He’s a boyfriend-material, pero we’ll see kung husband-material.

"Kapag inabot ng maraming taon.

“Sa akin kasi, I don’t have an ideal age. I only have an ideal man.”

Ano ang ideal man para sa kanya?

“Ideal man? How do I say it, siyempre, alam mo yung someone na mabait, responsible.

"Someone who can take you as you are, take care of you, be loyal, and God fearing.”


HAPPY FOR HEART. Nahingan din si Lovi ng reaksiyon tungkol sa kasal ni Heart, kunsaan sinasabi nitong mag-isa siyang lalakad patungo sa altar.

Read: Heart Evangelista will walk the aisle alone

Sabi ni Lovi, “Actually, hindi ko rin naman tinatanong, kasi parang medyo personal, sensitive.”

Hindi nila napag-uusapan?

“Ang hirap kasing pag-usapan, pero siguro… ayokong magsalita,” nakangiti na lang niyang sabi.

May sarili raw siyang opinyon sa bagay na yun, pero mas minabuti nga niyang huwag na lang magsalita.

Matutuwa naman daw siya bilang kaibigan ni Heart kung sa mismong araw ng kasal nito ay dumating ang kanyang mga magulang.

“I mean, ako, as her friend, siyempre yun ang pinaka-wish ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakikita niya, ilang percentage na darating ang mga magulang ni Heart sa kasal nito?

“I don’t know, e. I respect them and I don’t really know.

"Parang it’s something that I can’t answer," sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN