Regine Velasquez confirms Kris Aquino apologized for unfollowing her and husband Ogie Alcasid on Instagram

Hangga’t maaari ay ayaw nang pag-usapan pa ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang isyu tungkol sa pag-unfollow ni Kris Aquino sa kanila ng mister niyang si Ogie Alcasid sa Instagram.


Ayaw nang pag-usapan pa ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang isyu tungkol sa pag-unfollow ni Kris Aquino sa kanila ng mister niyang si Ogie Alcasid sa Instagram.

Ito ay matapos mai-tag diumano si Kris ng quotes na mula raw kina Regine at Ogie.

Nagbunsod ang isyung ito sa pambabatikos ng mga Pinoy sa hindi pagdalo ni President Noynoy Aquino, kapatid ni Kris, sa heroes' welcome para sa tinaguriang #fallen44.

Hindi man direktang binatikos ni Regine ang Pangulo, nagpahayag din siya ng kanyang saloobin tungkol sa malagim na pagpatay sa 44 members ng Special Action Force (SAF) matapos ang engkuwentro nila sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Read: Regine Velasquez says PNoy should have been more gracious

Pahayag ni Regine, nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, February 4, "A, huwag na. Okay na yun.

"She apologized, so that's finished. Better not to talk about it."

Matatandaang tatlo sa mga malalapit na kaibigan ni Kris ang kanyang in-unfollow sa Instagram bunsod ng isyung ito—sina Judy Ann Santos, Regine, at Ogie.

Humingi ng paumanhin si Kris kay Ogie at pinaabot din nito kay Regine ang kanyang dispensa. Muli ring finallow ni Kris ang dalawa.

Pero hindi humingi ng paumanhin si Kris kay Judy Ann.

Read: Did Kris Aquino unfollow Judy Ann Santos on Instagram?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN