Anti-graft court freezes assets of Senator Bong Revilla

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagkumpiska sa mga ari-arian ni Senator Bong Revilla kaugnay pa rin sa kasong plunder na kinakaharap nito bunsod ng malawakang pork barrel scam.


Ipinag-utos ng Sandiganbayan na i-freeze ang lagpas sa P200 million na halaga ng mga ari-arian ni Senator Bong Revilla, alinsunod pa rin sa kinahaharap nitong kasong plunder kaugnay sa malawakang pork barrel scam.

Ayon sa inilabas na desisyon ng First Division ng anti-graft court, na naiulat sa GMA News Online kahapon, February 5, sinabi ng naturang ahensiya ng gobyerno na:

“Let a Writ of Preliminary Attachment issue as against accused Ramon 'Bong' Revilla Jr., requiring the Sheriff of this Court to attach so much of the property in the Philippines of the said accused, not exempt from execution as may be sufficient to satisfy the applicant's demand in an amount not exceeding P224,512,500 in value."

Inatasan ng korte ang kanilang sheriff na ipatupad ang naturang kautusan at magbigay sa kanila ng kaukulang detalye sa freeze order sa loob ng 60 araw.

Lahat ng mga opisina ng sheriff sa buong Metro Manila, ang Philippine National Police, at iba pang kagawaran ng batas ay magkakaroon ng kopya ng naturang kautusan na pirmado ni Atty. Estela Teresita Rosete, ang executive clerk of court ng Sandiganbayan First Division.

Nahaharap si Senator Revilla sa kasong plunder at iba pang reklamo kaugnay sa anomalya ng pork barrel na pinangunahan ng tinaguriang PDAF scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Nailipat daw ni Bong ang milyun-milyong halaga ng kanyang pork barrel fund allocations sa bogus non-government organizations ni Napoles.

Hiniling sa korte ng prosecutors ang “garnishment order” o kumpiskahin ang mga ito para matiyak na mabawi ng gobyerno ang mga ari-ariang nakamal daw ni Senator Bong sakaling ma-convict ito sa kasong plunder.

Ayon pa sa mosyon ng prosecutors, “The Motion was premised on the need to secure such properties of accused Revilla as may be sufficient to answer for his alleged ill-gotten wealth worth PhP224,512,500.00, should this Honorable Court rule that such an amount should be forfeited in favor of the State.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As explained in the Motion, availing of this provisional remedy, sanctioned by the Rules of Court,1 will ensure that the State will not be left 'holding an empty bag' should a judgment of forfeiture be issued by this Honorable Court against accused Revilla in conjunction with his Plunder case.”

REVILLA’S ASSETS. Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN online, dahil sa kautusang ito, hindi maaaring ibenta o ilipat sa ibang pangalan ni Senator Bong, mga kamag-anak nito, o ng kanyang agents ang mga ari-ariang kasama sa freeze order.

Kabilang sa mga pagmamay-ari ni Senator Revilla na ipina-freeze ng prosecutors ang pera nito na nakadeposito sa 44 na bangko, 28 real estate properties, 15 sasakyan, 5 stock holdings sa tatlong kumpanya, club shares, at investments sa iba’t ibang pribadong kumpanya.

Noong Oktubre 2014, nanindigan si Senator Bong na ang kanyang yaman at mga ari-arian ay mula sa kanyang pinaghirapan at hindi ill-gotten wealth.

Read: Senator Bong Revilla insists his multi-million-peso assets are not ill-gotten wealth


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN