Senator Bong Revilla denounces Sandiganbayan’s freeze order on his assets

Kinuwestiyon ni Senator Bong Revilla ang freeze order na inilabas ng Sandiganbayan sa kabila ng hindi pa nadedesisyunan ang kanyang inihaing motion for reconsideration para makapagpiyansa.


Binatikos ni Senator Bong Revilla ang desisyon ng First Division ng Sandiganbayan na i-freeze ang kanyang assets na nagkakahalaga ng P225 million dahil sa kasong plunder na kinakaharap niya.

Nanindigan si Senator Bong na halos lahat ng kanyang mga ari-arian ay naipundar niya bago pa man siya maging senador.

Sa pahayag ng actor-politician na lumabas sa ABS-CBN online, sinabi ng nakapiit na mambabatas:

"I am greatly disappointed over the seeming haste of the court to attach my properties—the fruits of my legitimate labor and hard work.

"Even the fruits of my compensation from GMA7 were attached. Kasama pa rito ang ancestral property ng aming angkan kung saan nakatira ang aking ama."

Kahapon, February 5, lumabas ang naturang kautusan ng anti-graft court upang kumpiskahin ang mga pera, ari-arian, mga stock, at investments ni Senator Bong.

Read: Anti-graft court freezes assets of Senator Bong Revilla

Kinuwestiyon din ng senador ang naturang order gayong hindi pa raw nadedesisyunan sa Sandiganbayan ang kanyang motion for reconsideration para makapagpiyansa.

Aniya, "Does this now mean that my motion for reconsideration has already been prejudged and will ultimately be denied?

'Does this also mean that our motion to adduce additional evidence has already been denied?

“Ang ibig sabihin ba nito ay may nabuo na silang opinion laban sa akin? Sana naman po hindi, at ako'y nagdarasal na hindi.

"From the get go, I hope that I will not totally lose trust in our justice system. The way things are turning out, it appears that it is becoming more and more difficult to obtain justice."

Kasalukuyang nahaharap si Senator Bong sa kasong plunder at iba pang anomalya kaugnay sa pagpondo diumano nito sa kanyang pork barrel sa bogus non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN