RR Enriquez fires back at bashers: “Sino ngayon ang nagmumukhang trashy, uneducated and bully?”

Naka-private na ang Instagram account ni RR Enriquez matapos siyang batikusin ng netizens dahil sa kanilang insensitive video post ng kaibigang si Jeck Maierhofer.


Mukhang hindi na kinaya ng sexy star-TV personality na si RR Enriquez ang mga masasakit na komento laban sa kanya ng netizens kaya binlock at dinelete daw niya isa-isa ang mga ito sa kanyang social media accounts.

May mga masasakit pang salita, katulad ng g*ngb*ng, p*kp*k, at b*tch, ang turing ng ibang netizens sa kanya.

Kaya naman nag-private na rin si RR ng kanyang Instagram account.

Kaugnay pa rin ito sa ginawa niyang one-minuter video, kasama si Jeck Maierhofer, kung saan binusinahan nila nang malakas ang isang tulog na pasahero ng isang commuter van.

Read: RR Enriquez and Jeck Maierhofer get bashed by netizens for honking loudly at sleeping passenger

Kasunod nito ang walang tigil na pambabatikos ng publiko sa kanilang ginawa kaya naman kaagad din silang humingi ng paumanhin sa anila’y “insensitive video.”

Read: RR Enriquez and Jeck Maierhofer apologize after getting bashed for insensitive video post

“I CAN’T BLAME YOU…” Ngayong araw, February 9, tuluy-tuloy pa rin ang mga masasakit na salitang nababasa ni RR tungkol sa pangyayari.

Pagod na pagod na raw ang kanyang mga daliri sa kaka-block at kaka-delete ng negative comments.

Dahil dito, gusto raw niyang mag-move on na ang mga tao sa pangyayari dahil humingi na naman sila ng paumanhin.

Narito ang kabuuang mensahe ni RR na ibinahagi niya sa kanyang mga Instagram followers kaninang umaga (published as is):

“Happy Morning😘 This will be the last time that i will post a message regarding sa viral video na yan✌️🙈 I can't blame these people for sending us negative comments..

“I actually pity those people na nagkucomment ng bad. Dahil hindi lang yan ang nareceive namin, sobrang dami pa as in🙈

“If you will read their comments parang mas malala pa yung ginawa nila sa ginawa namin🙈 Its funny coz if you help people na mga nasalanta ng bagyo, if you feed the street children never nag ti trending pero pag mga sex scandal, kurakot scandal kalokohan scandal wala pang 24hrs trending agad agad😂✌️😩😅😜

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Back in our case ok go push nyo yang mga negative comments nyo na yan😘 As i said i can't blame you✌️😘

“But after you comment, check your heart also.. Sino ngayon ang naging bully? Dahil sa mga negative comments nyo na yan sino ngayon ang nagmumukang trashy, uneducated and bully?😩😅😜✌️

“And sa mga nagmamalinis jan na kung maka condemn ng tao akala mu never gumawa ng kalokohan sa life nila Clap Clap Clap ikaw na ang perfect😬

“Simple kalokohan, malalalang kalokohan in God's eyes pareparehas lang yan. To those people na nagtatanggol sa amin and naniniwalang we are only human never magiging perfect Thank you😘

“Sa mga bashers relax lang kayo, life is wonderful marami pang pwedeng gawin sa buhay, hindi lang pang ba bash✌️❤️ Yes nagkamali kami and nag sorry na kami so its time to move on❤️

“Nakapag move on na yung mga broken hearted and may bago ng kadate sa valentines so move on din kayo pag may time✌️ Iwasan natin kumain ng madaming ampalaya para hindi tayo maging sobrang bitter sa buhay👊🙈😜

“On a ligter note ang dami ko ng na Blocked is Beauty ang sakit pala sa kamay so i guess ito na ang punishment namin ang mabash ng madaming tao at sumakit ang kamay kaka delete at blocked ng mga bashers lol🙈

“Its really a lesson learned🙈 Try nyo mag blocked and delete ng negative comments ewan ko lang kung di kayo mapagod😜😩😅

“Maybe a lot of you nagtataka bakit nakukuha ko pang magpatawa, or mag joke? As i said life is wonderful hindi ko plan stressin ang buhay ko sa mga pagkakamaling nagawa ko..

“They key to happy life is to "Get over it"❤️👊😘 HappyMorning Happy Valentines Share Love❤️❤️"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN