Bukod kay Vice Ganda, isa pang It’s Showtime host ang bumisita kay Jam Sebastian, ang kalahati ng YouTube sensation na Jamich, na ilang buwan nang nakaratay sa ospital dahil sa lung cancer.
Read: Vice Ganda grants ailing Jam Sebastian's wish to see him again
Dumalaw rin kay Jam ang dancer-actor na si Jhong Hilario kasama ang kanyang pamilya.
Ipinost ng kapatid ni Jam na si Yexel Sebastian sa Facebook ang larawan nilang tatlo nina Jam at Jhong sa loob ng hospital room.
Nagpasalamat din si Yexel, na dati ring dancer, kay Jhong at sa pamilya nito.
Sabi ni Yexel: "Salamat Kuya Johng and Ate Maia and whole Family. Kahit Busy kayo ay nakapagbigay kayo ng oras. God bless =)”
Kahapon, February 9, ay nag-post naman ng update si Yexel tungkol sa kalagayan ni Jam:
"Sa mga oras na ito ay milagro ang nangyayari kay Jam. GRABE KA LORD! Ang hirap paniwalaan, maraming salamat po. Wala pong kapantay ang pagmamahal at hiwaga niyo."