Solenn Heussaff still mum on engagement to Nico Bolzico

Solenn Heusaff on friend Heart Evangelista’s wedding to Sen. Chiz Escudero: "They bring out the best of each other. Iba yung mundo nila, so ngayon kailangang mag-compromise sa isa."


Tikom pa rin ang bibig ni Solenn Heussaff tungkol sa kanilang engagement ng boyfriend niyang si Nico Bolzico.

“Same-same,” maikling tugon niya nang tanungin ng press tungkol dito.

May update o may paghahanda na ba silang ginagawa para sa kasal nila ng Argentine businessman?

Nakangiting sagot ni Solenn, “Walang update talaga.

“Secret. Ayoko... abroad, for sure maliit at hindi dito.

“And for sure, secret.”

Sabi pa niya, "bride and breakfast" lang daw ang nakikita niya sakaling maikasal sila.

“Simple lang.”

Read: Solenn Heussaff is now engaged to live-in partner Nico Bolzico

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Solenn sa presscon ng MuSIKATin: Musikang Sikat Sa Atin, na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, Martes ng tanghali, February 10.

Isa si Solenn sa performers sa pinakamalaking OPM concert na ito na gaganapin sa Philippine Arena, sa Bulacan, sa February 20.

HEART-CHIZ WEDDING. Pero masaya itong nagpahayag ng damdamin tungkol sa nalalapit na kasalan ng kaibigang si Heart Evangelista at ni Senator Francis "Chiz" Escudero.

Gaganapin ang kasal sa February 15, Linggo, sa Balesin Island Club.

Sabi ni Solenn, “Excited, excited ako sa kanya.

“Kasi nahanap niya yung guy na parang matching.

"'Tapos mas mature din siya sa mga iba niyang boyfriend, so she can learn a lot from him.”

Inaasahan na raw ni Solenn na sa kuwarto pa lang nila ay mag-iiyakan na sila.

“It’s a big day, e. 'Tapos si Heart, hopeless romantic, so for sure super nervous siya ngayon.”

May mga ibinahagi ba ang kaibigan sa kanila tungkol sa nararamdaman nito ngayong ilang araw na lang bago ang kanyang kasal?

Saad ni Solenn, “She just said, parang may kaunting stress, na normal naman 'yan.

“Siyempre si Heart, mas showbiz personality din, so kailangan din… she has to share everything… 'tapos maraming judgmental din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But it’s part of her job."

Alam ba niyang hindi raw makakarating ang mga magulang ni Heart sa kasal?

Tugon ni Solenn, “Sabi. Pero Heart would be happy naman so… it’s her day, so dapat about her.”

Ano ang wish niya sa kaibigan at sa magiging asawa nitong si Senator Chiz Escudero?

“Siyempre a long-lasting life together.

"And excited din akong makita… may future kids sila.

"Hindi naman agad. Pero may dalawa na siya [anak ni Chiz sa unang asawa], so instant mom na siya.

“But, just the best, that they bring out the best of each other.

"Iba yung mundo nila, so ngayon kailangang mag-compromise sa isa."


ON DEREK RAMSAY. Samantala, kamakailan ay nagkaayos na ang ex-boyfriend ni Solenn na si Derek Ramsay at ang estranged wife nitong si Mary Christine Jolly. Ano ang masasabi ni Solenn dito?

Natatawa niyang sagot, “A, carebears ako talaga!

"And I don’t think about him.

“Okay lang, happy for him.

"Hindi ko na-follow talaga [ang mga pangyayari]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN