Solenn Heussaff to marry fiancé Nico Bolzico in France and Argentina

Solenn Heussaff recounted how Argentine boyfriend Nico Bolzico surprised her with a marriage proposal at her parents’ home around 3:30 A.M. last December 10.


Inihayag ni Solenn Heussaff na dalawang beses silang ikakasal ng kanyang Argentine fiancé na si Nico Bolzico ngayong taon.

Base sa cover story ng February 2015 issue ng Preview Magazine, plano ng engaged couple na magdaos ng wedding ceremony sa Britanny, France, kung saan ipinanganak at lumaki si Solenn.

Pagkatapos ay magkakaroon din sila ng civil wedding sa Argentina kung saan nakabase ang pamilya ni Nico.

Ngunit nananatiling tikom ang bibig ni Solenn pagdating sa eksaktong petsa ng kasal nila.

Sabi ng Kapuso actress, “No one will know. There will be a hashtag na lang bigla!”

THE PROPOSAL. Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinetalye rin ni Solenn kung paano nag-propose sa kanya si Nico noong December 10.

Ayon kay Solenn, pagdating niya ng Manila galing U.S. ay dumiretso siya sa bahay ng kanyang mga magulang bandang 3:30 ng madaling-araw.

Sa pagkakaalam kasi ng aktres ay nasa Bacolod ang nobyo para sa isang business trip, kaya hindi muna siya umuwi sa tinitirhan nilang two-bedroom apartment.

“I was so mabaho pa from the 16-hour flight. I hadn’t even brushed my teeth yet,” prangkang kuwento ni Solenn sa kanyang panayam sa Preview.

Kaya laking-gulat ni Solenn nang bumungad sa lanai ng bahay ng kanyang mga magulang ang isang surprise video na naglalaman ng mensahe mula sa mga kapamilya at kaibigan nila ni Nico.

Noong mga oras na iyon ay nasa garden si Nico kung saan nag-setup ang binata ng white balloons at Christmas lights para sa kanyang marriage proposal kay Solenn.

Tanging mga magulang lang ng aktres ang kasama nila noong mga oras na iyon.

Kinabukasan, December 11, nagdaos naman ng pribadong engagement party ang magkasintahan kasama ng kanilang common friends.

Read: Solenn Heussaff is now engaged to live-in partner Nico Bolzico

Pagbabahagi pa ni Solenn tungkol sa relasyon nila ni Nico: “When I doubt myself, he reminds me of what I’m good at. Sometimes he’ll even write it down.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nabanggit ni Solenn na hati sila ni Nico sa gastusin pagdating sa kanilang kasal.

Gusto nilang panatilihing simple at pribado ito, dahil mas pinag-iipunan nila ang pagbuo ng sariling pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN