Derek Ramsay ready for a second chance at marriage: “Sana sa lovelife ma-bless na ako.”

Derek Ramsay says he is not afraid to get married again even if his first marriage did not work out.


Pinaninindigan ni Derek Ramsay ang kanyang resolusyon na ayaw na niyang magkaroon ng relasyon sa isang taga-showbiz.

“Yun na ang rule ko sa sarili ko, no more showbiz. Too much drama,” aniya.

Nali-link ngayon si Derek sa isang non-showbiz girl at hindi naman niya itinatangging nagkakamabutihan sila.

Ayon sa aktor, nasa getting-to-know-each-other stage sila ng nasabing babae, at patuloy raw ang pagganda ng kanilang relasyon.

Pinangalanan ang babae sa mga ulat bilang si Joanne Villablanca.

Read: Derek Ramsay takes things slow with a non-showbiz girl

Kuwento ni Derek tungkol kay Joanne, “I’ve known her for a while but I think it was over the Christmas holidays when we got to know each other a little bit more.

“We’re taking it slow.

"We’re not tied together, but we want to take things slow."

Sabi pa ni Derek tungkol sa nagugustuhang babae, “She has a baby girl, which I like.

“I think that shows her that she’s a woman with a sense of responsibility.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Derek ngayong Miyerkules, February 11, sa set visit ng kanyang TV5 show na Extreme Sports: Kaya Mo Ba ‘To?


SINGLE PARENTS. Walong taon na raw ang anak ng babaeng nali-link ngayon kay Derek, na isa na ring ama sa isang batang lalaki mula sa estranged wife niyang si Mary Christine Jolly.

Higit sa sampung taon daw ang agwat nila, “I think she’s going 27.”

Thirty-eight years old na si Derek pero hindi pa rin daw siya nagmamadali. Kailangan daw na magkakilala muna sila nang husto.

“I don’t want to be over mechanical. I still like it when it’s natural.

"Maybe in the past it was a little too mechanical na nawawala yung essence...

"The intangible things that keep the two together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng aktor, “But this time, I’m taking it slow, pero maganda naman ang ipinapakita niya.

"That’s why I’m keeping my fingers crossed."


HE'S READY. Sa usapang kasal naman, handa na raw si Derek na lumagay sa tahimik.

“I really want to start a family. I’ve been ready for a while. It’s just not that easy.

“But sana nga… I’ve been blessed in so many ways.

"Sana sa lovelife, ma-bless na ako.”

Handa raw niyang ibigay ang kasal sa babaeng mamahalin niya kung hingin ito sa kanya.

Gaano na ba katagal ang relasyon nila ng bago niyang pinopormahan?

“Nothing formal yet, so hindi ko muna binibilang,” sagot ni Derek.


NOT AFRAID. Matatandaang naging kontrobersiyal ang legal battle ni Derek sa kanyang unang pinakasalan na si Mary Christine.

Pero sa kabila nito, hindi raw siya natatakot na muling maikasal.

Saad niya, “Never live life with regrets so I’m not going to let that give me the fear of getting married.

"Although there was a lot of stuff to be answered with regards to the first so-called marriage.

“I’m not afraid of getting married. How can I? My parents have been married over forty years?

“So I have a perfect marriage to learn from.”

Hindi rin daw naniniwala si Derek sa pagkakaroon ng prenup ng dalawang taong ikakasal.

“That defeats the purpose of getting married,” aniya.


GOING EXTREME. Samantala, buwis-buhay naman ang stunts na ginagawa ni Derek para sa pinakabago niyang show sa TV5.

Kina-career nga niya ang essence ng programa na tungkol sa “extremes.”

Saad niya, “It’s about breaking boundaries and proving that nothing is impossible if you put your mind to it...

"If you put your mind into something and you train and you work at it and nothing’s impossible."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Derek tungkol sa stunts na ginawa na niya, “First day namin, I had a BMX jump over me [habang] nakahiga ako sa ibabaw ng van.

“Right after that, naglakad ako habang pinapaikutan ng tatlong kotse na nagdo-doughnuts sa akin.”

Kinakabahan man sa ibang challenges, tinitiyak ni Derek na magagawa niya nang maayos ang challenges sa kanya.

“When I do something, I give it 100 percent, so I’m fully committed to the show.

“I’ve started it so it’s my responsibility to the network.

“I wanna give back.

“The title of the show is Extreme Series, if you’re going to sit on the side and watch people do extreme things, then I’m not an extreme host.”

Mapapanood ang Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To? gabi-gabi sa TV5, 10:15 P.M.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN