Ai-Ai delas Alas’s pre-Valentine concert cancelled

Dahil sa nagkaroon ng problema sa kanyang co-producer, hindi na matutuloy ang pre-Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas sa Solaire Hotel & Casino ngayong Huwebes, February 12.


Hindi na matutuloy ang Ai Heart Papa, ang pre-Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas sa The Theater ng Solaire Resort & Casino, sa Huwebes, February 12.

Napagdesisyunang huwag nang ituloy ang concert dahil hindi diumano nabayaran ng concert producer na si Jacob Fernandez ang venue at ang production crew.

Originally, si Richard Yap ang kasama ni Ai-Ai sa Ai Heart Papa, pero nag-backout ang aktor dahil hindi raw makapagbigay ng downpayment si Fernandez.

Dahil lumabas na ang mga publicity ad ng concert, pumayag si Ai-Ai na maging co-producer ng Ai Heart Papa, alang-alang sa mga taong bumili na ng tickets.

Sina JC de Vera at Aljur Abrenica ang mga ipinalit kay Richard.

Ito ang sinasabing "technical problem" ni Ai-Ai kung bakit hindi na si Richard ang makakasama niya sa kanyang concert.

Read: Ai-Ai delas Alas taps Aljur Abrenica, JC de Vera to replace Richard Yap in Valentine concert

Ngayong Miyerkules ng hapon, February 11, nakarating kay Ai-Ai na hindi pa raw nabibigyan ng downpayment ang production crew.

Si Ai-Ai na ang nagpasyang ituloy pa rin ang concert bukas, pero sa kundisyong huwag magpapakita sa kanya si Fernandez dahil sa malaking problemang ibinigay nito.

Pero ngayong gabi, nalaman ni Ai-Ai na hindi pa rin diumano binabayaran ni Fernandez ang venue.

Ito na ang naging mitsa para tuluyan na niyang kanselahin ang concert.

Humihingi si Ai-Ai ng paumanhin sa lahat ng mga bumili ng tickets at naapektuhan ng kahihiyan na ginawa ni Fernandez.

Ayon sa Comedy Concert Queen, puwedeng-puwede niyang saluhin ang mga responsibilidad ni Fernandez at ituloy ang concert, pero ayaw raw niyang mawili ang concert producer at para hindi na ito makabiktima pa ng ibang mga artist.

Bukas ay inaasahang magbibigay ng anunsiyo si Ai-Ai kung paano mare-refund ng mga nakabili na ng tickets ang kanilang pera.

NEXT: Concert producer Jacob Fernandez apologizes to Ai-Ai delas Alas; explains his side

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN