Concert producer Jacob Fernandez apologizes to Ai-Ai delas Alas; explains his side

Isa-isang sinagot ng concert producer na si Jacob Fernandez (kaliwa) ang mga alegasyon ni Ai-Ai delas Alas kaugnay ng pagkakansela ng concert na Ai Heart Papa sa Solaire ngayong Huwebes ng gabi, February 12.


Nagpaliwanag ang concert producer na si Jacob Fernandez tungkol sa hindi pagkakatuloy ng pre-Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas, ang Ai Heart Papa.

Gaganapin sana ang concert ngayong Huwebes ng gabi, February 12, sa The Theater, Solaire Resort and Casino.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagdesisyon si Ai-Ai na kanselahin ang kanyang sariling concert dahil diumano sa aberyang nilikha ni Jacob.

Diumano, hindi nagbigay ng downpayment si Jacob sa venue at production crew.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Richard Yap na siyang dapat kasama ni Ai-Ai sa concert; kaya papalitan siya dapat nina Aljur Abrenica at JC de Vera.

Read: Ai-Ai delas Alas's pre-Valentine concert cancelled

Sa tulong ng radio anchor na si Richard Pinlac, nakapanayam ng PEP at dalawa pang entertainment writers si Jacob sa Greenhills, San Juan, kaninang madaling-araw.

Humingi muna ng paumanhin si Jacob kay Ai-Ai dahil sa nangyari, at pagkatapos ay ipinaliwanag nito ang kanyang panig.

Saad niya, “Number one, gusto kong mag-apologize kay Miss Ai-Ai, sobrang gusto kong mag-apologize sa kanya.

"Siguro, kulang sa preparation.

“Pagdating lang ni Pope [Francis]... so kulang talaga ng preparations.

"Alam niyo, ‘yang concert ng Comedy Queen, gusto natin bonggang-bongga, yung concert, 'di ba?

"'Tapos nagpalit pa kami ng guests, so parang feeling ko, kulang talaga sa preparations.

“And, alam niyo namang 'pag concerts, ang daming involved, ‘di ba? From the marketing to ticket selling.

"So, medyo kulang talaga time."


TICKET SALES. Bago pa makausap ng PEP si Jacob, may usap-usapang mahina diumano ang benta ng tickets sa concert ni Ai-Ai. May katotohanan ba ito?

Sagot ng concert producer, “Bukas [February 12] pa naman ang show, 'di ba?

"So, malaki pa yung chance na ma-sold out kasi alam naman natin si Ai-Ai na malakas sa mga walk-in.

“Talagang ano lang... gipit na gipit talaga kami sa oras.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw pa ni Jacob, hindi talaga “cancelled” ang concert ni Ai-Ai kundi “postponed” lamang ito.

Ililipat lang daw ito ng venue dahil mayroon silang sponsors at may mga nabentahan na ng tickets.

Sabi pa ni Jacob, "Yung mga willing mag-refund, puwede namang i-refund."


AI-AI’S ACCUSATIONS. Sa ulat ng PEP, sinabi ni Ai-Ai na nakarating sa kanya na hindi pa raw binabayaran ni Jacob ang venue na pagdadausan ng concert.

Ito na raw ang naging mitsa para magdesisyon ang actress-comedienne na kanselahin ang kanyang concert.

Ngunit itinanggi ito ni Jacob.

Aniya, “Hindi totoo ‘yan.

“Matagal na akong nagso-show sa Solaire and meron kaming mga arrangements with Solaire.

"Gumagawa kami ng show ni Jaya, ni Ryzza Mae [Dizon]... marami na kaming nagawa for Solaire.

“Meron kaming arrangements for that.”

Kasunod na sinagot ni Jacob ang tungkol sa hindi natuloy na guesting sana ni Richard Yap sa concert dahil sa hindi pa raw ito nagbibigyan ng downpayment.

Saad niya, “Si Richard Yap, miscommunication kasi hindi kami ang kausap.

"Ang kausap, si Mary Ann Sta. Ana from Backroom. Siya ang nagbu-book, e, dapat kasi pakete siya ni Ai-Ai.

“Si Mary Ann ang nagbu-book, nagkaroon ng miscommunications.

"She was talking to Kaye [Richard’s handler] na ang kausap pala dapat ay Star Magic.

"So, alam mo yun, nagkaroon ng miscommunication.

“And then, when we were ready to pay... kasi nakausap na namin mismo ang Star Magic, e, nakakuha na daw ng ibang booking, may schedule na siya.”

Isa pang akusasyon ni Ai-Ai ay hindi pa raw binigyan ng downpayment o nabayaran ang production crew.

Paliwanag ni Jacob, “Ang production crew, binabayaran pagkadating ng show.

"Alam naman niyo 'yan kasi nagso-show din kayo.

"Pagkatapos ng show, saka kayo babayaran, so bakit bigla kong babayaran?

"So, siguro na-misinterpret lang."


“AYAW MAWILI…” Sa ulat pa rin ng PEP, sinabi ni Ai-Ai na puwedeng-puwede niyang saluhin ang mga responsibilidad ni Jacob at ituloy ang concert, pero ayaw raw niyang mawili ang concert producer at para hindi na ito makapang-biktima pa ng ibang mga artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta naman ni Jacob, “Matagal na naman akong nagpo-produce.

"In fact, si Ai-Ai, favorite ko ‘yan, e, lahat niya...

"Yung mga Respect Me niya, yung mga Folk Arts [concert niya], ako ang nag-produce.

“Ngayon talaga, I think, kulang talaga sa preparations.”

Tinanong ng PEP si Jacob kung nagkausap na ba sila ni Ai-Ai tungkol sa nangyari.

Aniya, “Hindi pa sa ngayon. Sa oras ngayon, ha, hindi pa kami nag-uusap.”

Noong Lunes, February 9, daw ang huli nilang pag-uusap.


AI-AI’S INSTAGRAM POST. Sa Instagram ni Ai-Ai ay inanunsiyo rin niya ang pagkakansela ng kanyang concert.

Nakasaad sa caption nito: "Sa kinauukulan: humihingi po ako ng paumanhin na ang aking show bukas na" i ❤️papa" ay cancelled sa kadahilanang ang Producer po ng show na si JACOB L FERNANDEZ at ang kanyang kumpanyang SHOWBIZMANSION ay hindi tinupad ang lahat ng kasunduan at obligasyon na bayaran po ang lahat ng kasama sa show.

"Pati po ang venue na Solaire ay hindi po nabayaran. Sa Lahat po ng gustong mag-refund ng tickets ay makipag-ugnayan po sa number ng Producer Cell# 0919 899 4443 JACOB L FERNANDEZ OR SA PHONE NUMBER 0918 985 6989---MULI ANG AKING TAOSPUSONG PAGPAPAUMANHIN SA LAHAT.. HINTAYIN na lamang po ang mga announcements sa darating na araw ... GOD BLESS 🙏"

Nag-post din si Ai-Ai ng news report ng dating kinasangkutang kaso ni Jacob.

Nakasulat sa caption: “Marami na pala kaming victim ito siguro ang dahilan para matapos na panloloko nito ..”

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Jacob sa Instagram posts na ito ni Ai-Ai.

Aniya, “A, medyo first time naman na nangyayari sa amin [ni Ai-Ai] ‘to.

"This is the first time, so hindi puwedeng sabihin niya na may iba akong concerts na hindi natuloy.

“This is the first time.”

May mensahe ba siya kay Ai-Ai?

Pahayag ni Jacob, “Again, we are very sorry for what happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think this is a lesson ba na matutunan, na kailangang may mahabang preparasyon and dapat pag-isipan nang mabuti ang mga bagay-bagay.

“Kasi gusto natin pasayahin lahat ng tao.

“So, kami, we are very apologetic.

"And sana, sa mas magandang timing, maulit 'tulad ng mga shows namin before."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN