Aicelle Santos denies rumored romance with Gian Magdangal; opens up about La Diva breakup

Aicelle Santos on resuming her solo singing career after breakup of La Diva: "Happy ako kung ano yung narating ng La Diva. But now kasi, it’s a new adventure, e. So, hindi mo alam what happens. You just jump and jump by faith. And if it’s a make, go; if it’s a break, then try another one. Ganun lang naman."


Patuloy pa rin sa pagtanggi ang Kapuso singer na si Aicelle Santos tungkol sa balitang may namamagitan sa kanila ng singer ding si Gian Magdangal.

Patunay nga raw na may relasyon ang dalawa dahil madalas manood si Gian noong unang run ng musical play na Rak of Aegis, kung saan nasa main cast si Aicelle, noong 2014.

Pero paliwanag ni Aicelle dito, “Mentor-mentoran ko ho yun. Teatro boy kasi siya.

“Kasi kami, when I started with Katy, siya yung teatro boy naman ever since I was new.

“So, yung lagi siyang may notes lang, ‘Ito yung ganito, this part, ganyan.’”

Naka-base ngayon si Gian sa Hong Kong dahil nagtatrabaho ito sa Disneyland, pero uuwi ang male singer para mag-guest sa Class A concert ni Aicelle sa February 25, sa PETA Theater.

Hindi pa raw nakakapanood si Aicelle ng performance ni Gian sa Hong Kong Disneyland.

BATCHMATES. Sabay pumasok sa dating musical-variety show ng GMA Network na SOP sina Aicelle at Gian, na pareho ring produkto ng singing contests.

Si Aicelle ay runner-up sa Pinoy Pop Superstar ng GMA habang si Gian naman ay runner-up sa Philippine Idol ng TV5.

Ayon kay Aicelle, “Kasi same kami ng batch, 2006…

“So, since then, we were really good friends.

“Mas napatatag lang yung pagkakaibigan nung nag-teatro, kasi parang nag-same vibe na kayo ng trabaho.”

Nakarating din daw sa kanya ang intriga noon na siya ang pinagselosan ng dating karelasyon ni Gian, ang sexy star na si Sheree.

“Narinig ko ho yun, may balitang ganun. Hindi ko naman ho nakausap si Sheree after that,” sabi ng Kapuso singer.

Pero hindi raw si Aicelle ang dahilan ng hiwalayan nina Gian at Sheree.

“Hindi ho totoo yun. We’re just really, really close friends.”

Ni hindi raw siya niligawan ni Gian.

Iisa rin ang manager nila, ang Stages ni Carlo Orosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Gian, guests ni Aicelle sa Class A concert ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, Kyla, at si Miss Celeste Legaspi.

Birthday ni Aicelle sa February 24, a day before her concert.

LA DIVA. Samantala, for some reason, kahit sinabi ni Aicelle na walang gap sa pagitan nila ni Jonalyn Viray ay tila walang naniniwala.

Na tila mayroon talagang hindi pagkakaunawaan sa kanilang tatlo nina Jonalyn at Maricris Garcia.

Silang tatlo ang bumubuo sa dating all-female group ng Kapuso network na La Diva.

Ayon kay Aicelle, ang isang grupo kapag nagkawatak-watak ay ginagawan talaga ng isyu.

“Ang alam ko, may nabasa na akong article about Maricris answering a question na katulad po niyan.”

Dito ay inamin ni Maricris na ang totoong dahilan ng pagkawatak ng kanilang gurpo ay dahil sa desisyon ni Jonalyn na mag-solo.

Read: Maricris Garcia reveals Jonalyn Viray's decision to go solo caused La Diva breakup

At sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aicelle ay umamin na rin siyang nagkaroon nga sila ng hidwaan.

Diin niya, “But personally, wala naman ako na anything against Jona.

“It’s just that siguro, yung La Diva days namin, merong outside person na…

“I don’t wanna say na dahilan, pero hindi lang nagkatugma-tugma yung mga kagustuhan namin sa buhay that time.

“I think that’s one of the causes of the break up.”

Pero hindi raw sumama ang loob nila ni Maricris nang nagdesisyon si Jonalyn na mag-solo na ng singing career.

“No, definitely not. Kasi we entered show business nang solo-solo ho kami.

“And nung nag-La Diva kami, very happy, but eventually we would want to go back to… kung paano kami nagsimula as solo artists.”

Hindi rin daw totoong nagkampihan sila ni Maricris against Jonalyn.

“Mas close lang ho talaga kami ni Maricris!” natawang sagot ni Aicelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit sila ang mas close?

“E, baka ho magkamukha kami!” tawa na naman niya.

Mas masaya ba siya ngayong solo artist na siya kaysa nung magkakagrupo sila?

Saad ni Aicelle, “Hindi ko masasabing… well, happy ako kung ano yung narating ng La Diva.

“But now kasi, it’s a new adventure, e. So, hindi mo alam what happens.

“You just jump and jump by faith. And if it’s a make, go; if it’s a break, then try another one.

“Ganun lang naman.”

THEATER. Siyam na taon na sa music industry si Aicelle.

Sa ngayon, bukod sa Class A concert at regular stint niya sa Sunday All Stars, si Aicelle din ang bida sa Rak of Aegis na magbabalik ulit sa PETA Theater sa June 19-21 at June 26-28, (3 P.M. and 8 P.M.).

Nagwagi si Aicelle bilang Best Actress sa Aliw Awards last year para sa nabanggit na musical play.

Sinubukan din niya rin pala noon na mag-audition sa Miss Saigon.

“Tinray ko kasi nung nag-start ako with Katy, and nag-boom na lahat ng auditions, e, so all theater actors and actresses, nag-o-audition lang naman yun sa lahat.

"Ganun ang buhay-teatro, e. Kung matanggap ka, e, di good. Kung hindi, hindi.

“Ibig sabihin, you don’t look the part, you don’t fit the role.”

Hanggang sa callback lang nakapasok si Aicelle sa Miss Saigon audition, at masaya siya para kay Rachelle Ann Go na kasalukuyang nasa London at gumaganap bilang Gigi.

Sabi ni Aicelle, “I’m okay, ganun nga ang thinking ng teatro, if you don’t get in, ibig sabihin, you don’t look the part. It doesn’t mean that you’re not good, or ganyan.”

Wala rin daw siyang inggit na nararamdaman para kay Rachelle Ann.

“Iba rin naman yung joy, iba-ibang joy, e. Kanya-kanya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, itong Rak of Aegis, iba rin yung joy na nahatid nito sa akin at alam kong nahatid dun sa maraming nakanood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN