Ai-Ai delas Alas devastated by cancellation of her concert; refutes claims of Jacob Fernandez

Ai-Ai delas Alas on this latest hurdle in her life: "Minsan nga, naiisip ko, kapag sobrang mabait, mahirap din. Tingnan mo, ngayon, ako pa ang naba-bash. Ako na nga ang naging victim, ako pa ang bina-bash. Ang weird, ’di ba? Pero okey na ‘yon, at least, naisalba ko yung ibang tao na magagawan pa niya ng ganito."


Humarap si Ai-Ai delas Alas sa media ngayong araw, February 12, upang pabulaanan ang mga pahayag ng concert producer na si Jacob Fernandez tungkol sa cancellation ng kanyang concert na Ai Heart Papa, na dapat sana ay ginanap ngayong gabi sa The Theater ng Solaire Resort & Casino.

Read: Concert producer Jacob Fernandez apologizes to Ai-Ai delas Alas; explains his side

Itinanggi ni Ai-Ai na postponement at hindi cancellation ang nangyari dahil, sa kanyang sariling salita, hinding-hindi na siya papayag na makatrabaho muli si Jacob.

Idiniin ng Comedy Concert Queen na ang hindi pagbabayad ni Fernandez sa direktor, musicians, production crew, at venue ang tunay na dahilan ng cancellation ng concert.

At lalong wala raw kinalaman dito ang pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas noong nakaraang buwam.

PREVIOUS CASE. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema si Jacob sa kanyang mga project.

Noong January 15, 2004, dinakip siya ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Organized Crime Task Force authorities dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Leoncia Real Dimagiba ng Branch 194 ng Parañaque City Regional Trial Court.

Sa report ng Manila Bulletin noong 2004, dinakip ng NBI si Jacob dahil sa reklamo ng kanyang business partner sa isang theme bar-restaurant sa Makati, at nakalaya lamang siya nang magpiyansa ng P180,000.

Nakarating lahat kay Ai-Ai ang mga 'horror story' tungkol kay Jacob, pati na ang court case nito noong 2004, pero pinairal daw ng Comedy Concert Queen ang pagiging mabuting tao.

PAYBACK TIME. Ipinagtapat ni Ai-Ai na pumasok sa kanyang isip na huwag nang ituloy ang concert nang mag-backout si Richard Yap noong February 1, pero umiral daw ang awa niya kay Jacob dahil sa matinding pakiusap nito.

Read: Ai-Ai delas Alas taps Aljur Abrenica, JC de Vera to replace Richard Yap in Valentine concert

Saad niya, "Noong magkaroon ng problema kay Richard Yap, gusto ko na rin mag-backout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso, nagmakaawa si Jacob sa amin na bigyan siya ng chance, na makabangon.

"Kasi, I think, marami siyang problema.

"Ako naman, bilang... kasi noong araw, way back 1989, yung first concert ko sa Folk Arts, tatlo kaming producer.

"Nawala yung isa, siya ang sumalo.

"So, noong nagmamakaawa siya, umoo ako."

Patuloy ni Ai-Ai, "Marami na akong naririnig tungkol sa kanya.

"But, siyempre, ayoko naman mag-judge ng mga tao dahil ayoko rin na hinuhusgahan ako.

"Ngayon, apparently, lahat ng mga tsismis, totoo."

CO-PRODUCTION VENTURE. Iginiit ni Ai-Ai na wala siyang natanggap na downpayment mula kay Jacob.

Saad ng Kapamilya comedienne, "‘Yon din ang naging problema ni Richard.

"Nag-offer siya [Jacob] ng co-prod, pumayag ako, just to give him a chance.

"Ang sagot ko, yung sarili ko, yung mga guest, yung damit ko.

"Siya, sagot niya ang production, direktor, banda, venue.

"At diyan tayo nagkaroon ng problema. Lahat sila, walang bayad.

"Hindi sinasabi sa amin ang problema. Lahat kami na-surprise.

"Lahat kami, kahapon lang [February 11] namin nalaman ang mga problema.

"Nalaman ko na hindi pa bayad ang Solaire, 8 P.M. na kagabi, after ng rehearsal.

"Noong unang rehearsal, hindi natuloy. Ayaw tumugtog ng banda.

"Ginawan ko ng paraan. Ako ang nagbayad... that was three days ago."

Sa huli, nagdesisyonsi Ai-Ai na huwag na lang ituloy ang concert.

Paliwanag niya, "Kapag sinalo ka itong show, parang tinolerate ko siya na manloko ng ibang tao.

"Baka mangyari pa ito ulit.

"Huwag na, kawawa naman yung mga mabibiktima pa."

DEVASTATED. Labis daw na nasaktan si Ai-Ai sa nangyari.

Saad ng 50-year-old comedienne, "At my age, at sa tagal ko na sa industriya, first time na nangyari ito sa akin at first time na may nangganito sa akin.

"Parang sobra-sobra yung pananamantala."

Wala pa raw siyang natatanggap na personal na paumanhin mula kay Jacob.

"Nag-sorry siya sa Instagram at sa PEP, pero hindi sa personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos na, nangyari na. Nagulo na.

"Hassle na lahat. The damage has been done.

"Talagang strong lang ako, pero devastated ako.

"Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.

"Gusto kong maging malakas, pero devastated ako.

"Gusto ko siyang maintindihan, pero bakit niya ako ginanito?"

Saad pa ni Ai-Ai, "Ang akin lang, huwag na niyang ulitin kahit kanino.

"Huwag na niya kaming gamitin sa kahit na anong paraan.

"Ginagawa mo kaming tanga lahat, e.

"Tinutulungan ka na nga namin. Huwag mo naman kami gawing tanga.

"Ano naman ang pakialam ng tao sa ’yo?

"Ang naka-front dito, ako, ako, ako.

"Ikaw, ano? Wala, 'di ba?

"So, yung sorry, kulang pa ‘yon sa ginawa niya sa akin.

"Dapat mag-public apology siya, to me, to everyone, sa publiko dahil sa ginawa niya.

"Hindi siya dapat mag-sorry sa text.

"Mag-public apology siya sa akin at sa lahat ng mga tao na ginawan niya ng ganito."

FRUSTRATED. Isinumpa rin ni Ai-Ai na hinding-hindi na siya makikipagtrabaho muli kay Jacob.

"Never... never again.

"Nakaka-frustrate maging mabait.

"Nakaka-frustrate na magkaroon ng utang na loob.

"Pero ako, nananalig pa rin ako sa kabutihan.

"At the end of the day, iba pa rin kapag mabuti kang tao.

"Bilog naman ang mundo. Iikot ‘yan.

"Ngayon, maraming sasabihin ang mga tao.

"Iikot naman ang mundo at doon nila makikita, 'A, ganoon pala.'"

Himutok pa ng Comedy Concert Queen, "Sobrang na-betray ako.

"Kumbaga, binigyan ko siya ng chance kasi sinabi niya na gusto niya na makabangon.

"Minsan nga, naiisip ko, kapag sobrang mabait, mahirap din.

"Tingnan mo, ngayon, ako pa ang naba-bash.

"Ako na nga ang naging victim, ako pa ang bina-bash. Ang weird, 'di ba?

"Pero okey na ‘yon, at least, naisalba ko yung ibang tao na magagawan pa niya ng ganito."

Diin pa niya, "Ayoko nang makipag-usap sa kanya. Ano pa ang pag-uusapan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung lahat ng anything about kay Jacob, na ginagamit ang pangalan ko sa mga pera, wala akong kinalaman doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN