Iñigo Pascual on Julia Barretto giving her father Dennis Padilla the cold shoulder: "Hindi naman po niya gagawin yun kung walang rason."

They’re the newest loveteam being built up by the Kapamilya network, is there something developing between Iñigo Pascual and Julia Barretto? His update: "We’re good friends... I’m really thankful she’s there for me and I’m thankful she’s my friend."


Itinuturing ni Iñigo Pascual bilang "best friend" niya sa show business si Julia Barretto.

Dagdag pa rito na sila rin ang pinagtatambal ngayon ng ABS-CBN sa kanilang mga proyekto.

Sabi ng Kapamilya teen actor tungkol kay Julia, "We're good friends.

"Siya siguro ang best friend ko in this industry.

"Marami akong puwedeng tanungin na masasagot niya.

"Kasi siyempre po, halos parehas lang ang pinagdadaanan namin.

"Anak siya ng Barretto, at ako naman ni Papa, so alam niya ang pinagdaanan ko.

"I'm really thankful she's there for me and I'm thankful she's my friend."

Si Iñigo ay anak ng aktor na si Piolo Pascual, habang si Julia naman ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng pelikulang Crazy Beautiful You, sa Dolphy Theater, sa ABS-CBN compound, kahapon, February 12.

Si Iñigo ang gaganap na ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


OPEN PERSON. Nababanggit ba ni Julia kay Iñigo ang tungkol sa estado ng emosyon nito ngayon?

Sabi ng 17-year-old newbie actor, "Opo, we talk a lot.

"Siya rin kasi yung tipo ng tao na kahit kailan man mo siya tawagan, sasagutin niya ang phone.

"At times, sasabihin din niya na, 'I'm busy.'

"Pero siya yung tao na makakausap mo about anything.

"She's very open and, yung nga, kapag may problema ako, sinasabi ko sa kanya.

"At kung may problema siya, sinasabi niya sa akin."

Patuloy niya, "And I guess, it's something that would help our friendship grow.

"And ngayon na magka-loveteam kami, it's gonna really show the bond that we have."

Dahil close si Iñigo sa kanyang ama, binibigyan ba niya ng payo si Julia tungkol sa pakiramdam ng isang anak na malapit sa kanyang ama?

Hindi kaila sa marami na hindi pa rin nareresolba ang alitan sa pagitan ni Julia at ng kanyang amang si Dennis Padilla dahil sa petisyon sa korte ng young actress na palitan ang kanyang legal name o apelyido mula Baldivia (totoong apelyido ni Dennis) sa Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon nga sa pinakahuling ulat ay inisnab diumano ni Julia ang sariling ama sa pareho nilang dinaluhang Christmas party noong December 2014.

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Sabi ni Iñigo, "Pinag-uusapan naman po namin.

"Pero iba po kasi ang situation [namin], iba ang situation niya sa dad niya.

"Pero somehow related, kasi separated nga ang parents niya at separated din ang parents ko.

"We can talk about that stuff.

"Pero yung sabihin ko na, 'You have to do this, you have to do that…'

"'Di ko naman po sasabihin, siyempre it's still her personal decision.

"Hindi ko naman puwedeng sabihin na, 'Hey, you should do this 'cause your dad is that...'

"Siyempre, kung may sarili naman siyang reason…

"Hindi naman po niya gagawin yun kung walang rason."


FORGIVING. May isang bagay raw na ipinagmamalaki si Iñigo kay Julia.

Aniya, "She's very forgiving, she's very forgiving na tao.

"She doesn't like holding grudges against people.

"Talagang sinasabi niya kung nagtatampo siya.

"Pero yung tampo niya, ano lang, temporary.

"Hindi niya kayang magtampo na forever."

Sa puntong ito ay napag-uspan ang tungkol sa nalalapit na debut party ni Julia sa March 10.

Mayroon daw partisipasyon si Iñigo sa pinakaimportanteng kaganapan sa buhay ng kanyang screen partner.

Aniya, "Yeah, I will be there.

"I'll be singing sa debut niya and dun sa eighteen roses po."

Siya ba ang last dance ng debutante?

Nakangiting sagot niya, "Hind ko pa po alam, pero why not?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN