James Reid apologizes to tabloid writers: “I made a mistake. It won’t happen again.”

James Reid explains that he posted a quote on his Instagram account against tabloid writers because of the nasty rumor that that he has a sex video.


“Sometimes I forget my position. But it was never my intention to offend.”

Ito ang pahayag ni James Reid tungkol sa kontrobersiyal niyang Instagram post kamakailan.

Noong February 5 ay nag-post si James sa kanyang Instagram account ng quote mula kay Jerry Seinfeld, isang American comedian.

Ang sabi sa quote: “People who read the tabloids deserve to be lied to.”

Tila patama ito ni James sa ilang tabloid writers na nagsusulat umano ng mga maling balita tungkol sa kanya.

Read: James Reid stirs controversy over his IG post: "People who read the tabloids deserve to be lied to."

Hindi nagtagal ay binura rin ng Kapamilya hunk ang post niyang ito.

JAMES APOLOGIZES TO THE PRESS. Nakausap ng entertainment press si James nitong Biyernes, February 13, sa announcement ng upcoming ABS-CBN teleserye nila ni Nadine Lustre, ang On The Wings Of Love.

Dito ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Filipino-Australian actor tungkol sa kanyang kontrobersiyal na IG post at kung ano ang pinanggagalingan niya.

Sagot niya, “First of all, I want to apologize kung may na-offend sa pinost ko.

“Na-realize ko na mali yung ginawa ko, kaya ko tinanggal.

“But at that time, 'andaming rumors na kumakalat.”

Gaya ng anong rumors?

Pahayag ni James, “Like sex videos... things like that.

"That really upset my friends, my family, my fans.

“They asked me if it’s true and the worst part is, I can’t defend myself.

“I was just really upset and the way I reacted was wrong, I know that.

“But I really do appreciate what the press has done for me.

“It’s bad choice of words. I made a mistake. It won’t happen again.”


NOT DATING ANYONE. Sa artikulong lumabas sa PEP, nakasaad na ang dahilan ng pagpo-post ni James ay ang ulat na nakita siyang may ka-date na babae nang magtungo ang young actor sa Cebu para magbakasyon kamakailan lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariin itong itinanggi ni James.

“I’m not going out with anyone. I’m not dating anyone. It’s not true.

“I mean, I’m not dating anyone. I’m not seeing anyone.

"They’re not true," giit ng The PEP List nominee.

Samantala, thankful naman si James sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa pamamagitan ng first full-length teleserye nila ni Nadine.

Ang On The Wings of Love ay sa ilalim ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Bukod sa nasabing teleserye, bida rin ang JaDine loveteam sa Valentine presentation ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, February 14.

In the works na rin ang kanilang pelikula na Para sa Hopeless Romantic sa Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN