Xian Lim clarifies issue about promoting Albay; says it’s the T-shirt he refused to wear

Xian Lim says it was the T-shirt and not the promotion of Albay he refused to do during his visit in the province. “My exact words to her were ’Sorry po, hindi ko maisuot yung tshirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko. Pasensya na po.’”


Ang pagsusuot ng T-shirt at hindi ang pagpu-promote ng Albay province ang tinanggihan ni Xian Lim.

Ito ang nilinaw ng Star Magic talent sa statement na naka-post sa kanyang Twitter account (@XianLimm) kanina lamang.

Ayon kay Xian, hindi siya pumayag isuot ang T-shirt na ibinigay sa kanya, kasama ng coffee table book ng Albay, dahil naisip niyang maaaring magkaproblema sa clothing brand na kanyang iniendorso.

“My exact words to her were 'Sorry po, hindi ko maisuot yung tshirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko. Pasensya na po,'” saad ni Xian.

Ang tinutukoy marahil ni Xian na "her" ay si "Atty Carol" na binanggit ni Governor Salceda sa kanyang Facebook post.

Nagpunta si Xian sa Albay bilang panauhin sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy Albay.

Kasama rin sa statement ng Kapamilya actor ang paghingi niya ng paumanhin kay Albay Governor Joey Salceda at sa mga taga-Albay sa hindi nila pagkakaunawaan tungkol sa isyung ito.

Aniya, “I love Albay and I am always happy to be here with its good people.

“I deeply apologize to gov. Salceda and the people of Albay for the misunderstanding about my reasons for refusal to wear the t shirt.”

Dito ay sinagot din ni Xian ang mga katanungang nai-post ni Governor Salceda tungkol sa insidente.

Sabi ni Xian, “My parents raised me to be respectful and generous to everyone, and my management has always stressed the virtue of decency and humility. I do not do drugs and have worked hard to get to where I am.”

Sa huli, sinabi ng aktor na handa siyang isuot ang naturang T-shirt kung malinaw na ito sa kanyang iniendorsong clothing brand.

“If you send me the t shirt and after I have cleared it with my clothing endorsement, I would be more than happy to wear it online and on air. I am also very willing to promote the book of Albay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN