Albay Governor Joey Salceda shows T-shirt that Xian Lim refused to wear

Gov. Joey Salceda: "LIARS GO SOMEWHERE"


"LIARS GO SOMEWHERE"

Ito ang tila sagot ni Governor Joey Salceda sa pahayag ni Xian Lim tungkol sa kontrobersiya ng pagtanggi niya diumanong i-promote ang lalawigan ng Albay sa Bicol region.

Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes ng umaga, February 20, ipinakita ni Governor Salceda ang tinutukoy na coffee table book at T-shirt na tinanggihan diumanong suotin ni Xian nang maging panauhin sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy Albay.

Sa caption, sinabi ni Gov. Salceda: “Ito po yung ibinigay kay Xian Lim kahapon. Kaya lang tinanggihan nya. At sinabi nya kay Atty Caroline Cruz na 'I did not come here to promote Albay' usually ganyan ang binibigay namin sa bisita ng Albay. kaya medyo na disappoint lang naman kami. Walang sinabing 'I love Albay'.'

Sa pahayag ni Xian, nilinaw nitong hindi niya sinabi ang mga salitang 'I did not come here to promote Albay.'

Sa halip, sabi ng Kapamilya actor, “My exact words to her were 'Sorry po, hindi ko maisuot yung tshirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko. Pasensya na po.'”

Ang posibleng conflict sa kanyang iniendorsong clothing brand ang naisip umano ni Xian kaya tumanggi siyang isuot ang naturang T-shirt.

Gayunman, agad na humingi ng paumanhin si Xian dahil sa naganap na insidente.

Sinabi rin ni Xian: “If you send me the t shirt and after I have cleared it with my clothing endorsement, I would be more than happy to wear it online and on air. I am also very willing to promote the book of Albay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN