Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion break up

Nitong January daw ay nakapagdesisyon na sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion na wakasan na ang kanilang relasyon, ayon sa report ng The Buzz nitong Linggo, Febuary 22.


Hiwalay na sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion, ayon sa report na inilabas sa episode ng The Buzz nitong Linggo, Febuary 22.

Sa ulat ng nasabing showbiz talk show, bago raw matapos ang 2014 ay nagkakalabuan na sina Jasmine at Sam, subalit nitong January 2015 umano sila pormal na naghiwalay.

Nitong February 14, marami ang nakapansin na hindi magkasama ang dalawa at wala silang social media post na magkasama sa Valentine's Day.

Dalawang mapagkakatiwalang source na tumangging magpakilala ang nagkumpirma sa The Buzz sa hiwalayan ng showbiz couple.

Ayon sa unang source, huling bahagi umano ng 2014 nang magdesisyon ang dalawa na maghiwalay na at hindi na raw sila magkasama noong Pasko.

Ang hindi raw pagkakasundo ni Sam at ate ni Jasmine na si Anne Curtis ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Matatandang noong April ng nakaraang taon, nagkaroon ng kontrobersiya sina Sam at Anne dahil tinawag umanong “not classy” ni Anne si Sam na noon ay parehong nasa isang bar.

Read: Sam Concepcion confirms confrontation with Anne Curtis; says "all is well" now between them

Ayon sa source, hindi raw natutuwa si Jasmine sa kakulangan ng effort ni Sam para mag-reach out kay Anne.

Naimbitahan umano ang actor-performer sa concert noon ni Anne at sa premiere night ng Hollywood movie ni Anne, subalit hindi raw nagawang lumapit ni Sam kay Anne.

Ang sabi naman ng ikalawang source, nitong January nang pormal na maghiwalay ang dalawa dahil naging madalas na ang kanilang mga pagtatalo.

Civil naman daw sila kapag nagkikita.

Dagdag pa ng ikalawang source, nitong Miyerkules, February 18, nagkita raw ang dating magkasintahan sa isang kilalang bar, at bagama't hindi sila sabay na dumating, pareho raw silang nakitang pumasok sa isang sasakyan upang mag-usap.

May nakalap din daw impormasyon na may kasamang ibang babae si Sam bago sila nag-usap ni Jasmine.

Sinikap daw ng The Buzz na kunan ng pahayag si Anne subalit tumanggi ito, samantalang hindi raw pinayagan ng management ni Jasmine na magsalita ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilapitan naman daw ng The Buzz si Sam sa rehearsal ng ASAP 20, subalit tumanggi umano ang actor-singer na magpa-interview.

Isa rin daw indikasyong na totoo ang breakup dahil wala na ang mga larawan ni Sam sa Instagram account ni Jasmine.

Inihayag din nina Boy Abunda at Kris Aquino na noong nakausap nila si Jasmine para sa promotion ng Halik Sa Hangin, kung saan kasama siya, ay maingat na maingat si Jasmine sa pagsasalita.

“When we asked her, she was so careful. Baka yung time na 'yon papunta na do'n [breakup] or ginagawan ng paraan,” lahad ni Kris.

“Di ba, medyo makulit tayong dalawa, 'Ate knows best,'” ito raw ang sinasabi nina Kris kay Jasmine na sumagot naman ng “Yes, Ate, I know.”

Magkasama sina Jasmine at Anne na nagbakasyon sa Amanpulo kamakailan lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN