Ogie Alcasid on calls for PNoy’s resignation: Let him finish his term

Bagamat sinabi ni Ogie Alcasid na dapat patapusin na lang ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino, kung masyadong overwhelming ang humihiling na bumaba na ito sa puwesto, naniniwala siyang pagbibigyan ni PNoy ang kanilang hiling.


Tinupad ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang pangakong idu-donate niya ang kanyang talent fee sa OPM Musikatin sa apat na pamilya ng mga nasawing PNP-SAP members o mas kilala sa bansag na Fallen 44.

Read: Ogie Alcasid to donate MuSIKATin talent fee to Fallen 44 families; still believes in PNoy

Ginanap ang concert sa Philippine Arena noong February 20, at na-turnover niya ang halaga ngayong Martes, February 24.

Isang araw pagkatapos ng OMP Musikatin ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa binyag ng anak nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Pele, noong Sabado, February 21.

Sabi niya, “Meron kaming pinili na mga pamilya na pagbibigyan.

“Siyempre, ang TF ko, hindi naman ganun kalaki.

“Pero ang ginawa ko, tinanggal ko ang tax at iba pang charges, ‘tapos yung neto nun, yun ang ibibigay ko sa SAF.”

Naipagkaloob na nga ni Ogie sa apat na pamilya ang pangako niya.

OVERWHELEMD. Samantala, overwhelming pa rin daw ang nararamdaman ng singer sa tagumpay ng kanilang concert.

Saad ni Ogie, “Hanggang ngayon, nae-enjoy ko pa rin siya.

“Grabe yung crowd kasi. Hindi siya yung punung-puno, but sa akin, yung experience na makapag-perform dun is something.”

Ayon sa misis ni Ogie na si Regine Velasquez, kung ang capacity ng Philippine Arena ay 55,000, ang tantiya raw nito ay nasa 35,000 ang nanood ng concert nina Ogie.

Masasabing buhay na buhay pa rin talaga ang musikang Pilipino.

Pagkontra naman ni Ogie, “Hindi naman siya namatay.

“’Tulad this year, meron kaming Palakasin ang OPM sa March 14 sa BGC Ground.

“Sa July, meron kaming Ang Lakas ng OPM, and then may Phil Pop kami ng July.

“Kasi ang July ang Linggo ng Musikang Filipino. Executive order na siya.

“And by the end of July, wala kang maririnig sa mga business establishments kundi OPM—one week lang yun—‘tulad ng mall, restaurant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CALL FOR PNOY’S RESIGNATION. Hiningan din namin ng opinyon si Ogie sa mga kaliwa’t kanang protesta na naglalayong patalsikin sa kanyang puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay bunsod ng kontrobersiyang idinulot ng Mamasapano clash kung saan 44 miyembro ng Special Action Force ang pinaslang.

Bilang isa sa mga masugid na tagasuporta ni PNoy, ano ang masasabi ni Ogie dito?

Pahayag ng singer, “Well, demokrasya naman tayo.

“Meron naman tayong lahat ng right na gawin natin para ma-verbalize, ma-vocalize, maipakita yung mga hinaing natin.

“Okey rin naman yun.

“I think, may proper procedure ‘yan para makakuha ka ng permit para makapag-rally.”

Pabor ba siya sa kagustuhan ng iba na bumaba na si PNoy at huwag na nitong tapusin ang kanyang termino hanggang 2016?

Sagot ni Ogie, “Hindi na. Consistent naman ako sa stand ko.

“The President is not perfect. He’s flawed like all of us.

“But at this point, we should help him make this country a better place to live in.

“It's everybody’s country, it's not only just few people.

“If we pull our resources, magtulungan na lang tayo kahit magkaiba ng paniniwala.

“Kahit hindi si PNoy ang Presidente, hintayin na lang nating matapos.”

Ibang usapan na raw kung majority ay iyon talaga ang kagustuhan.

Sabi ni Ogie, “Siyempre kung ang hiling ng tao ay bumaba na siya at overwhelming, I don’t see PNoy saying na hindi niya gagawin.

“Sabi nga niya, boss niya tayo. At naniniwala naman ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN