Did Julia Barretto and her dad Dennis Padilla kiss and make up?

Julia Barretto earned positive comments after posting photo with her dad Dennis Padilla on Instagram.


Labis na ikinatuwa ng followers ni Julia Barretto ang larawang ipinost ng Kapamilya young star sa Instagram kasama ang kanyang ama na si Dennis Padilla.

Hindi malinaw kung saan at kailan kuha ang larawang ipinost ni Julia sa kanyang social media account nitong Miyerkules ng gabi, February 25.

Ang tanging caption lamang niya rito: “Papa being his comedian self.”

Gayunman, base sa larawan, marami ang nag-isip na nagkaayos na ang mag-ama.

Sa katunayan, agad na umani ng magagandang komento ang larawang ibinahagi ni Julia.

Matatandaang noong Enero ay naglabas ng sama ng loob Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa diumano'y pang-iisnab sa kanya ng anak na dalaga sa isang event noong Disyembre.

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP sa ina ni Julia na si Marjorie, Barretto, ipinaliwanag niyang natatakot daw si Julia kay Dennis kaya hindi nito nagawang lapitan ang ama.

Read: PEP EXCLUSIVE. Marjorie Barretto speaks up about snubbing incident between daughter Julia and ex-husband Dennis Padilla

Sa March 10, ipagdiriwang ni Julia ang kanyang ika-18 kaarawan.

Ibig sabihin kaya nito ay dadalo si Dennis sa debut party ng kanyang anak?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN