Vhong Navarro to girlfriend: “Wala na akong mahihiling pa kungdi ang makasama ka habang buhay.”

Vhong Navarro compares his girlfriend, Tanya Winona Bautista, to Wonder Woman. (Left) On his Instagram account, Vhong professes his love to his girlfriend and says he wants to be with her for the rest of his life.


Ipinahayag ni Vhong Navarro ang pagbati at pagmamahal sa kasintahang si Tanya Winona Bautista, na nagdiwang ng kaarawan, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@vhongx44).

Nag-post si Vhong ngayong Huwebes, February 26, ng photo collage ng girlfriend para batiin ito ng maligayang kaarawan.

Ayon sa caption ng post ng Itโ€™s Showtime host: โ€œWonder Woman! Ganyan kita pwede idescribe, at yan ka sa buhay ko.

โ€œWala na akong mahihiling pa, kungdi ang makasama ka habang buhay, mahal ko. I love you! Happy birthday!!!โ€

Samantala, sa comment section naman, sumagot ang girlfriend ni Vhong.

Sinabi nitong "effortless" para sa kanyang magmalasakit at mahalin ang komedyante dahil mahal niya ito.

Naging malaki ang pasasalamat ni Vhong kay Winona dahil nanatili ito sa kanyang tabi sa kabila ng naging pagkakamali ng komedyante noong nakaraang taon nang masangkot ito sa malaking kontrobersiya.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog kay Vhong ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee dahil sa bintang na panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.

Read: Vhong Navarro grateful to girlfriend for not leaving despite his infidelity

Sa ngayon, halos pitong taon na ang relasyon nina Vhong at Winona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN