Mayor Joseph Estrada remains evasive on daughter Jerika’s relationship with Bernard Palanca

Manila Mayor Joseph Estrada on current state of Philippine movies: "Malungkot mang sabihin, pero talagang medyo nahihirapan ngayon ang local movie industry. Lalung-lalo na dati… nung panahon namin ni FPJ [Fernando Poe Jr.], nakakapag-produce ng not less than 300 movies a year. E, ngayon, wala pang 10 percent yata, e. Tuwing Metro Manila Film Festival lang yata nakakapag-produce ng marami-rami, e. Kaya nakakalungkot."


Halatang hindi pa rin kumportable si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na pag-usapan ang relasyon ng anak niyang si Jerika Ejercito sa aktor na si Bernard Palanca.

Si Jerika ay isa sa tatlong anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez; ang dalawa pa ay sina Jake at Jacob.

Nang sandaling makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Pangulo sa induction ng bagong officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Manila City Halll kahapon, February 26, ay tinanong siya kung totoong basbas na lang niya ang kulang para maikasal sina Jerika at Bernard.

“Ha? Hindi ko alam,” paiwas na sagot ni Mayor Erap, kasunod ng pagpaparamdam niyang huwag nang tanungin pa ng anumang personal na tanong.

Inamin din ni Erap na hindi niya nakikita ang apo niya kina Jerika at Bernard na si Isaiah Joseph.

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Bernard ay sinabi nitong nagkausap na sila ni Mayor Erap.

Read: Bernard Palanca finally gets approval of Mayor Erap Estrada

PHILIPPINE MOVIES. Kahit naka-focus na ngayon si Mayor Erap sa kanyang pagiging public servant, nasa puso pa rin daw niya ang pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Kaya nalulungkot daw siya sa estado ng industriya kung saan siya nakilala nang husto.

Saad niya, “Well, malungkot mang sabihin, pero talagang medyo nahihirapan ngayon ang local movie industry.

“Lalung-lalo na dati… nung panahon namin ni FPJ [Fernando Poe Jr.], nakakapag-produce ng not less than 300 movies a year

“E, ngayon, wala pang 10 percent yata, e.

“Tuwing Metro Manila Film Festival lang yata nakakapag-produce ng marami-rami, e. Kaya nakakalungkot.

“Siyempre, kapag kumonti ang pelikula, maraming nawawalan din ng trabaho. Lalo na ang mga crew at mga technician, ‘di ba?

“Pero sana… baka maibangon natin ulit.”

Mayroon ba siyang mungkahi para muling sumigla ang industriya ng pelikulang Pilipino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mayor Erap, “Wala pa, pinag-aaralan pa natin.

“Kasi maraming mga ano, e… kamukha ng piracy pa. At saka yung high cost of production.

“'Tapos dumami na ang TV. Hanggang sa probinsiya, marami nang TV. Lumalakas ang mga teleserye.

“Kaya yung mga mahihirap, hindi na maka-afford makapagbayad sa sine.

“E, yung sa TV, libre lang naman. At iyon din ang isa sa mga dahilan kaya humina ang industriya ng pelikulang Pilipino.

“Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Maaayos din ‘yan.

“Magagaling ng mga artista ngayon, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN