Jolo Revilla attempted to commit suicide, says source; Revilla family spokesman says it was accidental

Taliwas sa "official statement" ng spokesman ng pamilya Revilla, isang source ng PEP ang nagsabing nagtangkang magpakamatay si Cavite Vice Governor Jolo Revilla (in photo, with girlfriend Jodi Sta. Maria) dahil sa matinding depression.


Pinabulaanan ng isang malapit sa Revilla family na may problema sa relasyon nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria kaya nagtangka ang actor-politician na wakasan ang buhay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili.

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Ayon sa PEP source, na nakiusap na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan, nagbaril sa dibdib si Jolo at naganap ang insidente ngayong Sabado ng umaga, February 28, sa bahay ng mga Revilla sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

Matinding depression umano ang nararamdaman ni Jolo dahil sa mga nangyari sa kanyang ama, si Senator Bong Revilla Jr., na nakakakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame, dahil sa akusasyong sangkot ito sa PDAF scam.

Ayon sa PEP source, lalong tumindi ang depression ni Jolo dahil sa sinabi ni DILG Secretary Mar Roxas na ililipat sa City Jail si Senator Revilla dahil sa isyu ng diumano’y pagdalo nito sa birthday party ni Senator Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital noong February 14.

Read: Detained Senator Bong Revilla allegedly spotted partying with Senator Juan Ponce Enrile

Kinumpirma ng PEP source na naka-confine ngayon si Jolo sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center, sa Muntinlupa City.

Sinabi rin ng PEP source na devastated si Senator Bong sa nangyari kay Jolo, pero wala siyang magawa dahil kailangan pa niyang humingi ng permiso mula sa Sandiganbayan para mabisita sa ospital ang kanyang anak.

May mga miyembro ng media na sumugod sa Asian Hospital and Medical Center nang mabalitaan nila ang nangyari, ngunit hindi sila nakapasok dahil sa mahigpit na seguridad.

"OFFICIAL STATEMENT." Samantala, nagpainterbyu sa GMA News ang Revilla family spokesman na si Atty. Raymund Fortun na nagsabing hindi sinasadya na nabaril ni Jolo ang sarili habang naglilinis ng baril at ito rin ang laman ng kanyang "official statement" na inilabas ngayong gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang "official statement" ni Atty. Fortun:

“At 9 am today at Ayala Alabang, Vice Governor Jolo Revilla suffered a single gunshot wound on his right chest after he accidentally fired a .40 Glock handgun while cleaning the same.

“Vice Governor Revilla is currently under observation and medication at Asian Hospital in Muntinlupa. He will remain in the hospital for at least the next 48-72 hours.

"The Revilla family asks for prayers for his speedy recovery."

LANI'S TWEET. Sa Twitter account naman ng ina ni Jolo na si Representative Lani Mercado, ang @lanimrevilla, ay ni-repost niya ang statement na inilabas ni Atty. Fortun sa media.

At sa huli ay nagpasalamat siya sa mga taong nagdasal para sa anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN