Aiko Melendez elated at winning international Best Actress award

Aiko Melendez on her Best Actress victory: “I’m in tears. I learned about the award at 4:30 a.m. I just came from the taping of Inday Bote. I’m so happy.”


Si Aiko Melendez ang itinanghal na Best Actress sa 2015 London International Filmmakers Festival of World Cinema para sa indie film niyang Asintado na unang ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival noong nakaraang taon.

Read: FIRST READ ON PEP: Aiko Melendez wins Best Actress in London filmfest

Hindi nakarating at hindi natanggap ni Aiko nang personal ang kanyang trophy. Sa halip, ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio at ang producer na si Ferdinand Lapuz ang tumanggap ng tropeo para sa aktres.

Sa pamamagitan ng Facebook private messaging ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko at hiningan namin ito ng reaksyon sa pagkakapanalo niya ng naturang Best Actress award para sa kauna-unahan niyang indie movie.

ELATED. Ayon kay Aiko, “I’m in tears. I learned about the award at 4:30 a.m. I just came from the taping of Inday Bote. I’m so happy.”

Tinanong din namin si Aiko kung hindi ba siya nanghihinayan na hindi siya nagpunta sa London kasama ang director at producer niya, at personal sanang tumanggap ng award.

Sabi naman niya, “No regrets naman. At least, para sa akin talaga.

“I was set to leave already, but we’re catching up sa playdate ng Inday Bote.

Bukod sa pagkakakuha ng Best Actress award, ang pelikula nilang Asintado ay nagkaroon din ng pitong nominations sa iba’t ibang kategorya sa naturang international award-giving body.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN