Vice Gov. Jolo Revilla back in ICU after two-and-a-half hour surgery

Vice Gov. Jolo Revilla is confined in the Intensive Care Unit (ICU) of Asian Hospital and Medical Center in Muntinlupa City, after suffering a self-inflicted gunshot wound on Saturday, February 28.


Nakabalik na sa Intensive Care Unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ang Vice Governor ng Cavite at aktor na si Jolo Revilla, matapos ang dalawa’t kalahating oras na operasyon ayon sa medical update na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ipinarating ni Atty. Joel Bodegon sa ngalan ng Revilla family.

Ayon kay Atty. Bodegon, “Vice Gov. Jolo Revilla is already back in the ICU of Asian Hospital after a 2-1/2 hour surgical operation where a chest tube was inserted in his body.

“Doctors removed half-a-liter of blood from his lungs.”

Aksidente di umano na nabaril ni Vice Gov. Jolo ang sarili habang nililinis ang isang .40 Glock handgun kahapon ng umaga, February 28, kaya naman nagtamo ito ng tama sa bandang kanang itaas ng kanyang dibdib.

Read: Jolo Revilla attempted to commit suicide, says source; Revilla family spokesman says it was accidental

Dahil na rin sa delikadong kundisyon ni Jolo, family members lang muna ang maaaring bumisita sa kanya.

Dagdag pa ni Atty. Bodegon, “Due to his delicate condition, doctors requested that visitors be limited only to family members.”

Humihiling din ang pamilya Revilla ng patuloy na pagdarasal para kay Jolo.

“The family is requesting the public for more prayers for Jolo's speedy recovery.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN