(UPDATED) Senator Bong Revilla files motion to visit son Jolo in the hospital

Sa kanyang isinumiteng mosyon sa Sandiganyan, hiniling ni Senator Bong Revilla na mabisita agad ang anak na si Jolo sa ospital at magtagal doon ng tatlong oras.


Nagsumite si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ng mosyon sa Sandiganbayan upang bisitahin ang kanyang anak na si Jolo Revilla, na ngayon ay nagpapagaling sa ospital matapos magtamo ng tama ng baril sa dibdib.

Nitong Sabado, February 28, iniulat na isinugod sa ospital si Jolo dahil sa tama ng baril.

Ayon sa isang source, attempted suicide ang ginawa ni Jolo dahil umano sa problema sa pag-ibig at depresyon dahil sa pagkaka-detain ng ama.

Ngunit nilinaw naman ng abugado at spokesman ng actor-politician na aksidente ang nangyari habang naglilinis ito ng baril.

Read: Jolo Revilla attempted to commit suicide, says source; Revilla family spokesman says it was accidental

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Sa kasalukuyan, naka-confine si Jolo sa Asian Hospital, sa Muntinlupa City.


MOTION TO VISIT. Sa isinumiteng mosyon ni Senator Bong nitong Lunes, March 2, hiniling niyang payagan siyang mabisita ang anak sa lalong madaling panahon.

Kasalukuyang nakaditine ang actor-politician sa PNP Custodial Center, Camp Crame, dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF scam.

Nakasaad din sa formal request ng senador sa Sandiganbayan na tumagal ng tatlong oras ang kanyang pagbisita sa anak.

Sinabi sa ulat sa dZMM.com.ph na inatasan ng korte ng prosecution na magkomento ngayong araw sa lalong madaling panahon.

Nakatakda ring ihabol ng legal counsel ni Senator Bong ang medical bulletin tungkol sa kalagayan ni Jolo upang sa gayon ay makapagdesisyon ang Sandiganbayan sa mosyon ng senador.

Samantala, sa kanyang update bago magtanghali ngayong Lunes, humingi ng panalangin si Lani Mercado—ina ni Jolo at asawa ni Senator Bong—para kay Jolo.

Ang maiksing update ng actress-politician sa kanyang Facebook account: “Lord please stop the bleeding in Jolo's Lungs.You are ultimate healer.”

Samantala, patuloy ang pagmu-monitor sa kalagayan ni Jolo na inoperahan noong Linggo, March 1, para matanggal ang dugo mula sa kanyang baga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPDATE: Kaninang umaga ay naglabas ng panibagong medical update sa kalagayan ni Jolo:

"Vice-Gov Jolo Revilla's condition is stable.

"However, he had fever this 5 A.M. which indicative of some infection in his body.

"The family is still hoping to transfer him to a regular room this afternoon.

"Doctor is monitoring output of blood, which looks like its decreasing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN